MANILA, Philippines - Isa sa pinakamasayang moments sa buhay ng isang babae ang araw ng kanyang kasal. Pero paano na lang ang gagawin ng isang babae, kung ang araw na kasal na pinapangarap niya ay hindi dumating-dating?
Ngayong Sabado, inihahandog ng MagpaÂkaiÂlanÂman ang tunay na kuwento ng buhay ni Arlene Tolibas, isang hopeless romantic na director na nangarap umibig at ibigin nang paulit-ulit.
Mula sa natatanging pagganap ni Sunshine Dizon bilang Arlene Tolibas, alamin ang kanyang pakikipagsapalaran makilala lang—finally—ang Prince Charming na magdadala sa kanya sa happily ever after.
Mula sa direksiyon ni Ms. Gina Alajar at sa panulat ni Agnes Uligan, huwag palagpasin ang Magpakailanman – Isang Linggong Pag-ibig: The Arlene Tolibas Story ngayong Sabado pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA7.