Baka raw ikamatay niya Mommy Eva, tanggap si BB pero tutol sa pagpapasex change nito
MANILA, Philippines - Ibubuking ni Karla Estrada kay Anthony Taberna ngayong Huwebes (Agosto 1) ang tunay na estado ng buhay-pag-ibig ng anak nitong si Daniel Padilla’s sa Tapatan ni Tunying.
Ayon kay Karla, bagama’t patuloy na naiintriga kay Kathryn Bernardo ang anak ay hindi pa ito nagkakaroon ng nobya dahil sobrang konserbatibo raw nito. Gayunpaman, may tiwala na siya kay Daniel sakaling pumasok ito sa isang relasyon dahil mature na raw mag-isip ito.
“Ang maganda kila Daniel ngayon, mulat na sila sa katotohanan. Tapos tagged din silang mga Padilla as mga babaero. So, pinipilit niyang baguhin iyon,†aniya.
Maging ang sariling buhay-pag-ibig at mga nabigong relasyon ay ibabahagi rin ni Karla, kabilang na ang sinapit ng pagsasama nila ng ama ni Daniel na si Rommel Padilla.
Samantala, inamin naman ni Eva Cariño, ina ng mga Padilla sa showbiz, na bagama’t tanggap na ng buong pamilya si BB Gandanghari, ay tutol pa rin ito na sumailalim ang anak sa sex change dahil baka ikamatay daw niya ito.
“Alam naman natin na BB na siya, parang babae. Pero hanggang dun lang. Kung magpapapalit siya, ayoko. Pero kung itutuloy niya, wala na din siguro akong magagawa dun,†giit niya.â€
Pagbubunyag din ni Eva, tulad ng iba niyang anak ay nahirapan din siyang tanggapin ang pagbabago ni Rustom bilang BB Gandanghari.
“Ang pakiramdam ko talaga hindi ko kaya. Pero may time na nagagandahan ako, natutuwa ako, may time naman na naiinis ako, kaso ang ganda naman talaga niya ‘di ba,†pahayag ni Eva.
Bukod sa paglantad ni Rustom sa tunay nitong pagkatao, isa rin ang pagkakakulong ni Robin noong 1995 sa mga pinakamalaking pagsubok sa kanya bilang ina. Paano nga ba nananatiling matatag si Eva sa gitna ng mga kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang mga anak?
Tutukan ang Tapatan ni Tunying (TNT) ngayong Huwebes (Agosto 1), 4:15 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
- Latest