Raymart hindi mabanggit ang pangalan ni Claudine
Dapat talagang bigyan linaw na ni Raymart Santiago ‘yung isyu sa kanila ni Claudine Barretto. Malaking bagay ‘yung ginawang paghingi ng Temporary Protection Order ni Claudine sa korte na pinalalabas na naÂnaÂnakit siya. MalaÂking minus pogi point ito sa kanya. At sa isang artista, malaking bagay ito.
Nagbigay naman si Raymart ng pahayag pero parang bitin.
Ang isa pang napansin ko, hindi na binabanggit ni Raymart ang pangalan ni Claudine sa inilabas niyang statement.
Malala na ba talaga ang problema nila?
Kathryn may K magregalo ng mamahalin
Kita n’yo na! Napaka-judgmental n’yo! Eh ano naman kung niregaluhan ni Kathryn Bernardo ng mamahaling gitara si Daniel Padilla. Bakit n’yo naman nilalagyan ng halaga ang pagkakaibigan nila? May pera naman si Kathryn, afford niyang magbigay ng ganun kamahal na birthday gift. Eh bakit kayo ang nagri-react. Di ba dapat si Daniel?
Hay, talaga naman. Konting kibot ng mga artista, handang-handa kaÂyong mag-react. Hindi bale sana kung favorable ang reaction n’yo, pero madalas, may pamimintas, kaya sa halip na ma-inspire n’yo ang mga taartits, nata-turn off sila.
Hayaan n’yo silang magbigayan ng mga regalo. Kahit mahal, at lalo na para sa mahal. Ipinamamalas lamang nila ang pagmamahal nila and there is noÂthing wrong with that.
Squatters hindi na dapat maging reklamador
Squatters daw ng QC binantaan ang movie ni MaÂyor Herbert. Binantaang papaano, ibo-boycott dahil inililipat sila ng lugar? Masaya sila dahil biniÂbigyan naman sila ng matitirhan. Hindi bale sana kung sa kalsada lang sila pinatitira, eh meron namang lugar para sa kanila, ano pa ba namang reklamo meron sila eh, sa kakaunting halaga ay may matitirhan na sila.
Nagrereklamo sila na malayo ito sa lugar ng haÂÂnapÂbuhay nila. Hindi lahat ng bagay ay papabor sa inyo. Kailangang makipag-compromise. Huwag n’yo namang iasa lahat sa inyong pamahalaan, may mga bagay na dapat tayo ring gawin.
- Latest