^

PSN Showbiz

Cristine pumiyok na sa bagong boyfriend na Dj na may-asawa!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May bagong pelikulang sisimulan ng Viva Films na pagsasamahan nina Heart Evangelista, Cristine Reyes, John Estrada, at Derek­ Ramsey.           

Trophy Wife ang title na ididirek ni Elwood Pe­rez.

Kaagad naging kumportable sina Heart at Cristine sa isa’t isa nang magkita sila sa story confe­rence nito kamakalawa ng gabi.

Pero ang isa pa sa inaabangan ay ang posibilidad na pagsasama nina Heart at Jericho Rosales sa isang pelikula.

Nagkita pala sa isang event ang dating magkasintahan at okay naman daw sila. Hindi nga lang daw sila nagkaroon ng panahong mag-usap pero okay daw sila at walang problema raw kay Heart kung magtambal sila uli ni Jericho.

 â€œYou know sometimes you spent so much time with somebody and you end up becoming strangers, sana walang ganun. I’m okay naman eh.

“We went trough so much kasi, that’s why medyo conscious na ganyan, pero nothing talaga. Happy naman siya eh. Happy naman  ako,” nakangiting pahayag ni Heart.

PAK: Nagulat si Tiya Pusit sa kumakalat na balitang malapit na raw itong magpakasal sa 27-year old boyfriend niya.

Matagal na ang relasyon na ito ni Tiya Pusit sa kanyang boyfriend, pero wala pa raw silang balak na pagpapakasal.

Napabalita pa nung naghiwalay na sila, pero nagkaayos din at ngayon ay going strong pa rin ang relasyon.

Sinubukan ng Startalk na kapanayamin ang komedyante tungkol sa isyung pagpapakasal, itinanggi niya ito dahil paano naman daw magpakasal, wala pa naman daw proposal.

BOOM: Mariing itinanggi ni Cristine Reyes ang napabalitang magkaaway na naman daw sila ng ate Ara Mina niya.

Ayon sa tsismis, kontra raw si Ara sa bagong boyfriend nito na isang DJ, dahil may asawa na raw itong lalaki.

Nagulat si Cristine sa ganung intriga dahil wala raw talaga itong katotohanan.

 â€œSaan nanggaling ang balitang ‘yan? Sino naman ang nag-imbento nun?” bulalas nito.

 â€œWala nga akong dini-date, so paano magkaroon na meron akong dini-date na isang married man? Wala akong dini-date na kung sino man ‘yun umapir ka sa akin. Wala po talaga, wala po,” patuloy nito.

Pati sa gym instructor niya ay nali-link din siya na tinawanan lang niya ito dahil malabo rin daw itong mangyari.

 â€œLagi lang kasi ako nagdyi-gym. Itong year kasi na medyo everyday nasa gym ako. Puwede ‘nyong isipin na ang boyfriend ko ay ang gym, pero hindi ‘yang instructor, which ‘yung instructor ko po ay pamilya­dong tao,” patuloy pa nito.

Pinagtatawanan na lang daw nila ni Ara ang ganitong intriga, pero sobrang okay daw sila ng ate niya.

ARA MINA

CRISTINE

CRISTINE REYES

DAW

NAMAN

SILA

TIYA PUSIT

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with