Mikael Daez araw-araw may Midnight Snack

MANILA, Philippines - Isang malinamnam at nakabubusog na gabI ang hatid ng Midnight Snack, ang pinakabagong food segment na mapapanood sa late-night news source na Saksi mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi.

Kasama ang host at foodie na si Mikael Daez, bibida sa five-minute food segment na ito ang mga masasarap na putahe mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas pati na rin ang mga kawili-wiling trivia sa mga featured culinary concoction.

Marami raw natutunan si Mikael sa pagho-host ng Midnight Snack kasama na ang paglalarawan sa samu’t saring panlasang Pilipino at banyaga. “I learned how to bridge the gap between my experience and what the viewers see,” ani ng Kapuso actor. Dagdag pa ni Mikael na nais niyang maranasan ng mga manonood ang kanyang mouth-watering food adventures. Positibo raw ang naging pagtanggap ng mga manoonood sa programa.

Tuwang-tuwa naman si Mikael sa kanyang mga kakaibang food features. Ang ilan sa mga paborito niyang food feature ay ang authentic bulalo ng Batangas, sisig, at isang murang breakfast selection sa isang “gourmet carinderia.” Hindi rin daw niya makakalimutan ang Pancit Marathon kung saan natikman niya ang iba’t ibang klase ng pansit sa Pilipinas.

 

Show comments