May-ari ng Lydia’s Lechon, ilalantad ang mga sikreto

MANILA, Philippines - Aalamin ni Karen Davila ang kuwento ng tagumpay ng may-ari ng Lydia’s Lechon, ang isa sa mga pinakamatagumpay at pinakasikat na chain ng lechon outlets sa bansa ngayon (Hulyo 31) sa  My Puhunan.

Dalawampu’t dalawang taong nagtinda sa bangketa ng Bac­laran si Lydia de Roca bago tuluyang nakamit ang tagumpay sa buhay. Taong 1986 nang magkaroon si Lydia ng maliit na puwesto sa Roxas Boulevard kung saan mas nakilala ang masarap at malutong na Lydia’s Lechon. Nagbago ang takbo ng munti niyang ne­gos­yo nang alukin siya ng isa sa mga suki niya, walang iba kundi si Henry Sy, na magtinda sa isa sa mga food court ng SM Mall.

Pagtatagpuin ni Karen si Lydia at si Nora, isang tindera na nabubuhay sa pag-iihaw ng barbecue. Mula sa pagtitimpla hanggang sa pagprepresyo ng paninda, matututunan ni Nora mula mismo kay Lydia.

Sa  My Idol’s Puhunan,  masisilip ang negosyo ng dating Viva Hot Babe na si Andrea Del Rosario, ang kanyang ipinagmama­laking restaurant na Longganisa Sorpresa kung saan matitikman ang lahat ng klase ng longganisa sa Pilipinas.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagum­pay, ang My Puhunan ngayon (Hulyo 31), 4:15 p.m. sa ABS-CBN.

Show comments