Pumayat si Claudine Barretto sa mga litrato niya na kuha sa korte ng Marikina City nang magsampa siya ng Temporary and Permanent Protection Order noong Lunes.
Parang nabawasan ang timbang ni Claudine dahil dinamdam niya ang marital problems nila ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago. Puwede rin na sinadya niya na magpapayat dahil excited na siya sa kanyang comeback movie sa Viva Films.
Affected si Raymart sa nangyayari sa kanila pero idinenay niya ang mga akusasyon ni Claudine. Ikinasal ang dalawa noong January 2006 at sa kasamaang palad, hindi nila na-survive ang seven-year itch.
Ang TPO na hinihiling ni Claudine sa korte ang malinaw na kumpirmasyon na hiwalay na sila ni Raymart at hindi na sila nagsasama sa iisang bubong. Marami ang nalungkot sa kinahinatnan ng pagsasama nila dahil nauwi rin ito sa hiwalayan. Ang paghingi ni Claudine ng tulong sa korte ang biggest showbiz news sa linggong ito.
Gladys iniyakan ang naudlot na pagsasama nila ni Sharon
Hindi na matutuloy ang guesting ni Gladys Reyes sa Madame Chairman sa TV5 dahil hindi siya pinayagan ng GMA 7.
May exclusive contract si Gladys sa Kapuso Network. Kesa payagan siya na lumabas sa ibang TV network, isinama si Gladys sa cast ng launching TV show ni Janine Gutierrez, ang anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
Iniyakan ni Gladys ang naunsyami na guesting sa Madame Chairman dahil chance na sana niya na makatrabaho si Sharon Cuneta. Siya sana ang gaganap bilang assistant ni Sharon. Nakakundisyon na ang utak ni Gladys pero hindi nga siya pinayagan ng GMA 7. Si Ciara Sotto ang ipinalit sa role ni Gladys.
Hindi man natuloy ang tandem nila ni Sharon, hoping si Gladys na darating ang araw na makakasama niya sa isang project ang Megastar, sa TV man o pelikula.
Ekstra hit na hit
Hindi pala alam ni Bambbi Fuentes na palabas sa Trinoma cinemas ang mga official entry sa CineÂmalaya Independent Film Festival.
Ang akala ng hair salon owner, showing lamang sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ang mga indie movie ng Cinemalaya. Si Bambbi ang favorite make-up artist namin ni Marian Rivera. Nabalitaan ni Bambbi na magaganda ang mga pelikula na kasali sa Cinemalaya kaya gustung-gusto niya na manood pero nalalayuan siya sa CCP.
Napakalapit lang ng Trinoma sa bahay at parlor ni Bambbi. Palabas sa mga sinehan sa Trinoma hanggang weekend ang Cinemalaya movies.
May tsansa pa siya na mapanood ang Quick Change, Babagwa, etc. Okay lang na ma-miss ni Bambbi at ng Vilmanians ang special screenings ng Ekstra dahil ipapalabas naman ito sa Aug. 14 sa nationwide theaters.
Sure hit ang Ekstra dahil pinupuri ito ng lahat ng mga dumalo at nanood sa gala premiere sa CCP noong Linggo.
Mga artista nanonood sa CCP
Parang sinadya na walang masyadong mga presscon habang ongoing ang Cinemalaya Independent Film Festival dahil may oras ang entertainment press at mga film buff na manood ng sine.
May mga kakilala ako na dumayo pa sa CCP dahil iba ang atmosphere rito. Feel na feel daw nila ang excitement ng manonood na hindi nararamdaman kapag nanood sila sa mga sinehan sa mall. Bonus din sa kanila na makita nang personal ang mga artista na starring sa mga indie movie.
Hindi lamang ang mga artista ng pelikula ng CineÂmalaya ang rumarampa sa CCP. Nanonood din ang mga artista na supporter ng mga indie movie.