^

PSN Showbiz

Billy nagsalita na sa pakikipaghiwalay kay Nikki, feeling lost at confused

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang emos­yonal na Billy Crawford ang nagpa-interview sa The Buzz kahapon na halos humagulgol ng ilang beses sa harapan ni Boy Abunda. Ilang beses ding patigil-tigil sa pagsasalita ang singer-TV host at kapag nagpapaliwanag na ay mahahaba naman at kung minsan ay paliguy-paligoy pa.

Ang mga deretsahang kasagutan kung bakit natapos ang relasyon nila ni Nikki Gil at siya pa ang nag-initiate ng breakup ay umikot sa mga katagang “I am lost,” “so confused,” at hahanapin daw niya ang sarili. 

Nabanggit din ni Billy na nawala ang focus niya sa pamilya at iyon ang gusto niyang balikan ngayon.

Sa lahat ng madamdaming sinabi at pag-iyak ay humingi ng tawad si Billy sa ex-girlfriend at ayaw niyang ito ang sisihin ng mga tao dahil “she fought hard” sa nagkalamat nilang relasyon.

Tinanong din si Billy sa talk show kung na-fall out of love ba siya kay Nikki. Ang hindi direktang sagot niya, “I just fell out of the face of the earth.”

vuukle comment

BILLY

BILLY CRAWFORD

BOY ABUNDA

ILANG

ISANG

NABANGGIT

NIKKI

NIKKI GIL

TINANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with