Sorry na lang kay Daniel Padilla, hindi niya mahahalikan sa lips ang ka-partner niyang si Kathryn Bernardo, mapa-pelikula man ito o TV. Eh atat pa naman ang fans nila na mapanood na sila sa kanilang bagong serye sa ABS-CBN na Got to Believe. ’Kakatuwa kasi ang teaser nito pero wala pang slot na available para sa kanila. At okay lang na maghintay ang mga manonood nila dahil sigurado naman silang pakikiligin sila ng dalawa kapag nagsimula na ang palabas.
’Yun nga lamang, kung naghihintay sila na makita itong magkaro’n ng kissing scene, mabibigo sila dahil nga menor de edad si Kathryn at ’di pa puwedeng makipag-lips-to-lips hangga’t wala siya sa tamang edad. Puwedeng dayain kaya kapag ginawa nila ito ay dapat lang makuntento ang mga manonood nila dahil ’yung lang ang pinapayagan. Mas mabuti na ang dayang halikan kaysa walang halikan at all.
Kaabang-abang naman talaga ang Got to Believe dahil gawa ito ni Cathy Garcia-Molina, isang magaling gumawa ng love story para sa forgets man o bagets. Matatandaang ito ang nagdirek ng serye ng romansa nina Miggy Montenegro at Laida Magtalas na matagal na natatapos ng pagpapalabas sa mga sinehan, pero kinakikiligan pa rin ng manonood.
With Direk Cathy behind the cameras, nakasisiguro ang manonood ng isang kilig to the bones na love story.
Sarah hindi napigil kahit ng sariling abogado
May abogado naman si Sarah Lahbati na puwedeng pumigil sa kanyang pag-alis pero nagawa pa rin ng aktres na pumunta ng US kahit aapat na araw pa lamang siyang nakakapagpiyansa para sa kasong libelo na isinampa sa kanya ng GMA Films president na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.
Wala rin siyang pahintulot mula sa korte para sa ginawa niyang pag-alis kaya gustong ipabawi ng mga abogado ni Abrogar ang bisa ng piyansa na ginawa ni Lahbati at ang muÂling paghahain ng warrant of arrest para rito. Tsk, tsk, tsk!