Iniintriga si Francine Garcia, ang “Kim Chiu†na tinanghal noong Sabado bilang Queen of Queens sa Super Sireyna ng Eat Bulaga.
Kumalat kasi ang mga nude picture ni Francine, pagkatapos i-proclaim na siya ang grand winner sa gay beauty contest ng Eat Bulaga. Hindi ordinaryo ang nude photos ng baklita dahil nakabukaka siya kaya kitang-kita ang kanyang jewel. Jewel daw o!
Lumabas din ang the truth and nothing but na nag-aartista siya. Si Francine ang bida sa isang indie movie na kasali sa Cinemalaya Independent Film Festival. Iniintriga si Francine dahil sa mga reklamo na dapat bawiin ng Eat Bulaga ang kanyang korona dahil sa mga nude picture niya. May gano’n?
Ex-Starstruck contestant na nag-asawa ng transSexual hindi na maalala
Natuloy noong Sabado ang matagal nang naudlot na airing ng interview sa former Starstruck contestant na si Bugz Daigo at sa kanyang transsexual “wife†na si Hazel Timotera.
’Yun nga lang, hindi kind ang reaksiyon ng televiewers dahil “The who†at “Cynthia Luster†ang tanong nila?
Hindi natin masisisi ang manonood na hindi kilala si Bugz dahil hindi naman ito nagtagal sa showbiz. Hindi nga siya matandaan ni Papa Joey de Leon na naging judge noon ng Starstruck.
At least, tinutukan ng televiewers ang kuwento ng Startalk tungkol sa unique love story ng dalawa. ’Yung iba naman dedma dahil hindi big deal sa kanila ang same sex marriage nina Bugz at Hazel dahil hindi sila ang unang mhin at transsexual na nagpakasal. Same sex marriage ang tawag nila dahil kahit operada na raw si Hazel, lalaki pa rin ang kanyang kasarian nang isilang.
Aktres na nagpakasal sa babae hindi nagtagal ang pagsasama
Nagpakasal din noon sa ibang bansa ang isang aktres pero sa kapwa babae naman. Naisahan ng aktres at ng kanyang partner ang nagkasal sa kanila dahil naniwala ito na tunay na lalaki ang groom.
Tunog lalaki kasi ang name ng tomboyita at mhin na mhin ang hitsura nito. Hindi nagkaroon ng pagdududa sa parte ng nagkasal sa kanila. Hindi nagtagal ang pagsasama ng dalawa dahil sa irreconcilable differences. Hindi rin sila nagpaunlak na magsalita tungkol sa wedding nila dahil kasiraan ito sa parte ng aktres.
Henya ni Rufa Mae MaKAkasabayng 30th death anniversary ni Ninoy
Madaling matandaan ang playdate na Aug. 21 ng Ang Huling Henya dahil death anniversary ito ni Sen. Ninoy Aquino.
Puwedeng i-claim ni Rufa Mae Quinto na kasabay ng 30th death anniversary ni Sen. Ninoy ang showing ng kanyang pelikula.
Nakilala si Rufa Mae sa pagganap sa mga bobita role pero sa Ang Huling Henya, super intelligent siya. Sa tunay na buhay, wise na babae si Rufa Mae dahil hindi siya yayaman kung hindi niya ginamit ang kanyang utak. Image lamang ni Rufa Mae ang pagiging bobita.
Starring sa Ang Huling Henya si Fabio Ide na nakasama ko noon sa Tweetbiz kaya knows ko na mabait siya at marunong makisama.
Si Fabio ang isa sa mga kauna-unahang Brazilian-Japanese model na nakilala sa Pilipinas. Siya ang original bago pa dumating sa ating bansa si Daniel Matsunaga at iba pang Brapanese model.
Ang Pilipinas ang second home ni Fabio. Hindi ako magtataka kung piliin niya na maging permanent resident ng ating bansa dahil love na love ni Fabio ang Pilipinas na nagbigay sa kanya ng malalaking oportunidad sa modeling at acting.