MANILA, Philippines - ‘Juan fun weekend’ ang ibabahagi sa TV viewers ng Teleserye King na si Coco Martin at My Little Juan lead star na si Izzy Canillo ngayong Linggo (Hulyo 28) sa ASAP 18. Magsasanib ang ‘supah powers’ ng dalawang TV superhero para sa grand launch ng Juan dela Cruz Official Soundtrack Volume 2, kasama ang Pilipinas Got Talent Season 4 grand winner na si Roel Manglangit na isa sa mga umawit ng bagong theme songs ng top-rating primetime serye.
Todong kilig at saya naman ang pasisiklabin sa ASAP center stage sa espesyal na pagbisita ng lead stars ng inaabangang pelikula ng Star Cinema na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo na sina Kim Chiu at Xian Lim; sa must-see barkada surprise nina Vhong Navarro, Karylle, Iya Villania, at Billy Crawford; at sa paglulunsad ng buong ASAP Kapamilya sa pinakabago at must-have ASAP 18 merchandise.
Ipagdiwang ang ‘supah powers’ sa pagkanta ng Pinoy singers sa world-class musical number ng 2013 World Championships of Performing Arts (WCOPA) senior at junior grand champion performers of the world na sina Beverly Caimen at Aldeza Ianna dela Torre; 14th World Folklore Festival grand champion na Bayanihan; at first prize winner ng 67th Llangollen InternatioÂnal Musical Eisteddfod Children’s Choir Festival na Hail Mary The Queen Children’s Choir.
Sunod-sunod na selebrasyon ang matutunghayan sa ASAP 18 sa romantic engagement celebration ng beauty queen na si Shamcey Supsup kasama sina Sam Milby, Erik Santos, at Jericho Rosales; at sa back-to-back-to-back birthday blowouts para kina Jed Madela, Chokoleit kasama si Pokwang, at Arron Villaflor kasama sina Erich Gonzales at Robi Domingo.
Samantala, tampok rin ngayong Linggo ang nakaaantig na kuwento ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kanyang With Love Gary V segment kasama ang Kapamilya child stars na sina Amy Nobleza, Philip Nolasco, Angelo Garcia, at Belle Mariano. Susundan ito ng show-stopping performance ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga sa T Zone; at ng bonggang vocal act ng international singing sensation na si Charice.
Humanda rin para sa non-stop hatawan sa hottest showdown ng dance floor royalties na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa supah hot clash dance na MASH; sa ballroom-inspired backtrack treat nina Nikki Gil, Empress, at Iza Calzado; at sa makapigil-hiningang Supahdance showcase nina John Prats, Rayver Cruz, Sam Concepcion, at KC Concepcion.
Tiyak din na mapapabilib muli ang lahat sa makatindig-balahibong musical spectacle nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, at Yeng Constantino.
Gretchen personal na pinili ni Juday
Pinili mismo ng Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos ang award-winning actress na si Gretchen Barretto para sa bagong karakter na papasok sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala.
“Sobrang sarap ng pakiramdam nang malaman kong persoÂnally handpicked ako ni Juday!†masayang pahayag ni Gretchen na agad na tinanggap ang role kahit pa malapit nang magsimula ang bagong teleseryeng pagbibidahan niya. “Matagal ko nang gustong makatrabaho si Judy Ann kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon matupad ang isa sa mga pangarap ko. Alam naman naÂting lahat na sa kanyang henerasyon, isa siya sa pinakamagaling, kung hindi man pinakamagaling sa lahat.â€
Nang matanong kaugnay ng women empowerment advocacy na sinusuportahan ng programa, todo-suporta dito si La Greta. “Gusto kong i-encourage ang mga kababaihan na manindigan, magtrabaho, at i-empower ang kanilang mga sarili nang sa gayon ay walang mang-aabuso sa kanila. Nasa sa iyo kasi ‘yan. Naaabuso ka dahil hinayaan mo ang ibang tao na abusuhin ka,†sabi ni La Greta.
Marian at Dingdong magsasama sa Sandugo Festival ng Bohol
Lalo pang lumaki ang taunang Sandugo Festival ng Tagbilaran City ngayong taon dahil dadalhin ng GMA Network ang dalawa sa prime stars nito upang makisali sa nasabing selebrasyon sa land of the wondrous chocolate hills—Bohol.
Ang kasalukuyang nagrereyna bilang sexiest woman sa bansa at My Lady Boss lead star na si Marian Rivera kasama ang award-winning actor, host, at producer na si Dingdong Dantes ay muÂling magsasama upang magbigay-saya sa kanilang fans sa isang Kapuso Night na gaganapin ngayong Linggo, July 28, sa CPG Sports Complex simula 6:00 pm sa Tagbilaran City.
At bago ang Kapuso Night, bibida naman ang cast ng top-rating afternoon drama series na Maghihintay Pa Rin sa pangunguna nina Bianca King, Rafael Rosell, at Dion Ignacio sa Sandugo Festival parade. Makakasama rin nila ang co-stars nilang sina JC Tiuseco at Diva Montelaba sa parada na lilibot sa Tagbilaran City streets simula 1pm.
Ang Sandugo Festival ay ang taunang paggunita sa blood compact sa pagitan nina Rajah Sikatuna at Miguel Lopez de Legazpi sa lalawigan ng Bohol.