Mayor Herbert nami-miss na ang pelikula

Namamayagpag sa pagpoprodyus ang Hea­ven’s Best Entertainment na pag-aari ng magkakapatid na sina Mayor Herbert, Harlene, at Hero Bautista. Bukod sa telebisyon via Ipaglaban Mo ay may movie offering sila, ang Raketeros, na ire-release ng Star Cinema bilang bahagi ng kanilang 20th anniversary.

Nami-miss na rin ni Herbert ang kanyang mga barkada na sina Dennis Padilla, Ogie Alcasid, Andrew E. kaya naisip na mabuo uli sila sa pamama­gitan ng isang comedy film sa direksiyon ng kaibigan ding si Randy Santiago. Kasama rin dito sina Joey Marquez at Long Mejia.

Situational comedy ang Raketeros at hindi ’yung slapstick kaya nakakatawa. Sabi nga ni Randy, hitsura pa lang ng mga Raketeros ay matatawa na ang manonood.

Ayon pa rin kay Herbert, nami-miss niya ang mga taga-movie industry kaya binalak na magprod­yus uli. Tuluy-tuloy ang paggawa nito ng pelikula at baka iba’t ibang genre naman ang susubukan gaya ng aksiyon at drama.

Palabas na ang pelikula sa mga sinehan nationwide sa Aug. 7.

Angel pasado sa Showtime

Hindi lang magaling na artista si Angel Locsin kundi maaasahan din sa comedy at ngayon naman ay sa TV hosting. Karagdagan ang aktres sa mga host ng It’s Showtime.  Pero once a week lang siyang mapapanood.

Inamin ni Angel na kinakabahan siya pero at home naman siya agad sa programa dahil kasama ang kaibigang si Anne Curtis at ganundin ang ka-Toda Max na si Vhong Navarro.

Magaling naman sa pagsasalita si Angel at spon­taneous pa kaya walang naging problema. Nag-enjoy siya sa kanyang unang pagsabak sa It’s Showtime at umaasang mahahasa pa ang magandang aktres sa hosting job.

 

Show comments