^

PSN Showbiz

Asawa ni Benjie Paras nagsalita sa sinasabing panlalason sa utak ng 2 anak ni Jackie Forster

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Target ni Glaiza de Castro na sa team niyang Instagang pa rin ang Best Team na award pagkatapos nilang magwagi nung nakaraang Linggo. Kaya matinding paghahanda ang ginawa nila para sa production number na ilalabas nila mamaya sa Sunday All Stars.

PAK: Sosyal-sosyalan ang dating ni Ryza Cenon nang namataan namin ito sa launching ng isang Bric’s Milano sa Shangri-la Mall sa Mandalu­yong City kamakailan lang.

Kasi naman meron ito ngayong mayamang manliligaw na tila sobrang in love sa kanya.

Ang sabi ni Ryza manliligaw pa lang pero duda kaming sila na dahil madalas silang magkasama.

Sabi pa ni Ryza, itong manliligaw ang nag-impluwensiya sa kanya na maglaro ng golf kaya nakahiligan na rin niya ngayon itong laruin. Bongga siya! Puwedeng makakalaro na niya ngayon sina Vic Sotto, Richard Gomez, at iba pang bigating artistang nakahiligan ang paggo-golf.

BOOM: Gustong linawin ng asawa ni Benjie Paras na si Lyxene Dimaampo-Paras na hindi niya dinidiktahan sina Andre at Kobe nang humarap ito sa press nang pumirma ito sa Viva Films nung nakaraang Huwebes.

Nakikita kasing may sinisenyas si Lyxene kay Benjie pero hindi sa dalawang bata. “Nire-remind ko lang kay Benjie na tatlong beses pumunta sa bahay si Jackie (Forster) pero hindi sa mga bata. Hindi nga sila nakatingin sa akin,” paliwanag ni Lyxene.

Sinasabi kasing si Lyxene ang isa sa mga lumalason sa isipan ng mga bata para lalong magalit sila sa kanilang tunay na ina. Pero paulit-ulit na sinasabi ni Lyxene na hindi niya pinapakialaman ang desisyon nina Andre at Kobe. Nandun lang siya para mag-alaga dahil itinuturing na rin niya silang mga anak.

Si Lyxene na nga kasi ang kinikilalang ina nina Andre at Kobe.

BENJIE

BENJIE PARAS

BEST TEAM

KOBE

LYXENE

LYXENE DIMAAMPO-PARAS

RICHARD GOMEZ

RYZA

RYZA CENON

SI LYXENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with