Kaya pala sobrang daldal: Aktor na nagkaka-career na may attention deficit hyperactivity disorder
MANILA, Philippines - May ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) pala ang isang actor na nagkakapangalan na. Isang beteranong director ang nagkuwento tungkol sa condition ng aktor.
“Kaya ang daldal niyan sa set. Maraming hindi nakakatagal sa kanya,†banggit ng director.
Pero functioning naman daw, except sa pagiÂging hyper nito at madaldal, as in non-stop.
Minsan daw ay naiirita na ang ibang katrabaho nito dahil sa kadaldalan.
Ayon sa kidshealth.org ang ADHD ay “Medical condition that affects how well someone can sit still, focus, and pay attention. People with ADHD have differences in the parts of their brains that control attention and activity. This means that they may have trouble focusing on certain tasks and subjects, or they may seem ‘wired,’ act impulsively, and get into trouble.â€
Piyansa ni Sarah ipinakakansela
Nagsampa na pala ang mga abogado ni GMA Films President Anna Teresa G. Abrogar ng motion para sa pagpapa-walang bisa at forfeiture ng P10,000 na piyansa ni Sarah Lahbati sa Branch 59 ng Regional Trial Court ng Makati City nitong nakaraang July 25. Ang motion na pinayagan ni Asst. City Prosecutor Dalig ay hiniling din ang paghain ng warrant of arrest para sa kontrobersiyal na aktres.
Ayon sa report, ito ay matapos muling umalis ng bansa si Sarah lulan ng flight PR 102 papuntang Los Angeles noong July 16 — apat na araw ang nakalipas mula nang aprubahan ang kanyang piyansa - nang wala umanong pahintulot ng korte.
Maalalang ang Makati RTC ay nag-issue ng order noong May 20 na nagsasabing may “probable cause†para sa pagsampa ng libel laban kay Sarah. Kasabay nito ang pagpataw ng P10,000 na piyansa at ang paghain ng warrant of arrest para sa aktres. Pero hindi ito agad naihain dahil umalis si Sarah papuntang Switzerland pagkalipas ng pag-file ng complaint affidavit laban sa aktres. Noong July 12 lamang ito bumalik ng Pilipinas at agad itong nagbayad ng piyansa. Ngunit pagkalipas ng apat na araw ay umalis na naman ito.
Mga naitagong pelikula ni FPJ mapapanood ng libre
Nakuha pala kamakailan ng ABS-CBN ang rights para ipalabas ang mga pelikula mula sa ekslusibong movie library ng nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr., ang koleksiyon ng mga pelikulang kinatampukan, sinulat, idinerehe, at ipinrodyus niya kaya’t ipapalabas ang mga ito sa free-to-air TV channels, cable TV channels, at The Filipino Channel (TFC) ng KapaÂmilya Network.
Ayon sa presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, minahal ng mga Pilipino si FPJ dahil naramÂdaman nilang mahalaga sila at ang kanilang mga kuwento na naÂging bida sa kanyang mga pelikula.
“Isang karangalan para sa ABS-CBN na pagkatiwalaan ng mga pelikula ni FPJ para muling mapanood ng kanyang mga tagahanga at makilala ng mga bagong henerasyon ang tinagurian nating Hari ng Pelikulang Pilipino,†aniya.
Ilan sa mga papel na tumatak sa masa ay ang mga karakter ni FPJ bilang Panday na tagapagtanggol laban sa kasamaan, ang mapagmahal na ama at mekanikong si Badong sa Isusumbong Kita sa Tatay Ko, ang masigasig na boksingerong si Totoy Bato, ang matulunging tsuper na si Nanding sa May Isang Tsuper ng Taxi, at ang respetadong barangay leader na si Berting sa Dito sa Pitong Gatang.
Ani Ms. Susan Roces, para maipasa ito sa susunod na henerasyon at masiguradong ang alaala ng nag-iisang Da King ay mananatiling buhay sa bawat Pilipino kung kaya’t ipinagkatiwala niya ang rights sa FPJ library. “Lahat ng roles niya sa pelikula, ang gusto niya, karpintero, o pulis, sundalo. Hindi mataas na opisyal, pero mga pangkaraniwang pulis o sundalo kasi sabi niya mas makulay ang buhay nila. Maski na doon sa ibang istorya, siya ang underdog. Karaniwan sa mga pelikula niya, ang prinsipyo at paninindigan ang bida. Kahit may leading lady, pwede niyang iwanan, mag-gu-good bye siya, pero itutuloy niya ang kanyang pagÂlalakbay dahil sa prinsipyo at paninindigan,†sabi ni Susan.
Ilan sa mga pinaka-kilalang blockbuster films ni FPJ ay ang Ang Panday, Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw, Batas ng .45, Kahit Konting Pagtingin, Iyo ang Tondo, Akin ang Cavite, Agila, Batang Quiapo, Batas ng Lansangan, at Isang Bala Ka Lang na mapapanood sa ABS-CBN, Studio 23, Cinema One, Jeepney TV, and TFC.
Kilala rin bilang Da King, idineklarang National Artist ng Pilipinas si FPJ noong 2006. Nagwagi rin siya ng mga parangal mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) at nakilala sa pagtataguyod ng movie industry at ang kapakanan ng mga manggagawa nito.
- Latest