Pauleen umibig at nabuntis ng pari!

MANILA, Philippines - May kasabihan na sa bawat isa ay may tamang pag-ibig na naghihintay. Para sa ordinaryong tao, ito ay pag-ibig na makukuha mula sa kanilang kapwa. Pag-ibig na mauuwi sa kasal at sa kalaunan ay magdadala ng pamilya. Pero paano kung isang nobisyada ang umibig? At paano kung ang itinitibok ng kanyang puso ay isang alagad din ng Diyos?

Ngayong Sabado, inihahandog ng Magpakailanman ang kuwento ni Myrna Rivas, isang dating nobisiyada na iniwan ang paglilingkod sa Panginoon matapos siyang umibig sa isang pari. 

Mula sa natatanging pagganap ni Pauleen Luna bilang Myrna at sa masusing direksiyon ni Maryo J. delos Reyes, alamin kung paano nilabanan ni Myrna ang kanyang mga naramdaman, kung anong hirap ang tiniis para ipaglaban ang pag-ibig na bawal sa tingin ng marami.

Mapapanagutan ba siya ng paring umibig din at nakabuntis sa kaniya?

Ito at iba pang mga katanungan ang sasa­gutin sa tunay na kuwento ng buhay ni Myrna Rivas sa Magpakailanman — Kasalanan Ba ang Umibig: The Myrna Rivas Story, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

Show comments