Si Regine Velasquez ang pinaniniwalaang susunod kay Ogie Alcasid sa TV5 pero mukhang mauunahan pa siya ni Marian Rivera. Nakikipag-usap na raw ito sa pamunuan ng Kapatid Network.
Ewan ko lang kung totoo dahil bakit siya ang makikipag-usap eh may manager naman siya? Pero siya ang reyna ng sarili niya. Kung liligaya ba siya sa gagawin niyang paglipat, so be it.
Kung si Ogie nakapagpasya na, siguro siya naman ang kariringgan natin ng kanyang desisÂyon sa susunod.
Habang buhay na Kapuso
Why is it na kapag may artistang umaalis sa isang network ay palaging lumilitaw ang isyu ng utang na loob? Kawalan ba ng utang na loob kapag nagpasya kang iwan ang isang lugar na tinigilan mo ng mahabang panahon at kung saan ay nakilala ka?
Oo siguro kung sa panahong itinigil mo sa iiwan mong lugar ay hindi ka nagbigay ng magandang serÂbisyo at iniwan mo pang nakabitin sa ere. Pero kung nagpaalam ka naman ng mahusay, puwede ka bang tawaging walang utang na loob? Bakit naman ipagkakait sa isang tao ang karapatang mas bumuti pa ang kalagayan niya?
Iba ang pananaw ko rito. Ako siguro, hanggang kamatayan ko magiging Kapuso ako. Ang GMA ang pangalawang bahay ko. Dito naging buo at masaya ang buhay ko. At habang masaya ako, dito ako.
Maraming artista, magaganda
Meron bang artistang hindi beautiful? Hindi ba lahat ng artista ay maganda? Kaya nga sila artista eh dahil maganda sila. Kaya kayong hindi napasama sa listahan ng 100 Most Beautiful ng isang magazine ’wag kayong mai-insecure dahil libu-libo ang mga artista at lahat sila ay magaganda.
Huwag ang sexy, ibang bagay na ’yun, dahil ginagawa ’yun, pinaghahandaan. Huwag na kayong mag-effort na maging sexy, enough nang beautiful kayo.