Ambush o Rubout?: Ozamis group, sinadya nga bang patayin ng mga pulis?
MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ngayong Sabado (Hulyo 27) sa Failon Ngayon ang kabi-kabilang paratang sa ilang pulis na lumabag umano sa karaÂpatang pantao nina Ricky Cadavero at Wilfredo Panongalinga, mga hinihinalang lider ng Ozamis robbery group, matapos silang pagbabarilin at mapatay ng mga ito.
Giit ng pulisya, nagtangkang tumakas ang dalaÂwa matapos paulanan ng mga armadong lalaking nakamotorsiklo ang sasakyang lulan sila at ang anim pang police-escorts sa San Pedro, Laguna. Kasunod nito, sinubukan daw nina Cadavero at Panongalinga na mang-agaw ng baril sa kanilang mga escort kaya binaril ang mga ito.
Hindi naman kumbinsido ang Commission on Human Rights sa paliwanag ng mga pulis. Paniwala ng komisyon, sinadyang patayin ng mga pulis ang mga suspek. Totoo kaya ang mga hinalang walang ambush at rubout ang tunay na nangyari? Nilabag nga ba ng mga naturang pulis ang karapatang pantao nina Cadavero at PanoÂngalinga? Ano ang tamang proseso sa pagbibiyahe ng mga suspek? Ano ang dapat gawin ng mga pulis sakaling agawan sila ng baril at pagtangkaang takasan ng mga suspek?
Samantala, sa isang Katolikong bansa gaya nang Pilipinas, paano maapektuhan ng pagbaba ng bilang ng mga pari ang buhay-ispiritwal ng mga Pilipino?
Bukod sa mga ito, aalamin din ni Ted kung may naparusahan na sa paglabag sa Animal Welfare Act at kung ano ang dapat gawin sa mga hayop na hatid ay perwisyo. Bubusisiin din kung paano ginagastos ng mga Senador at Kongresista ang kani-kanilang pork barrel.
Panoorin ang Failon Ngayon ngayong Sabado (Hulyo 27), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.
- Latest