Maja hindi kayang patawarin ni Kim hangga’t bf si Gerald
Dapat nga sigurong tigilan na ni Maja Salvador ang pagtatanggol kay Kim Chiu. Obvious naman na hindi ito appreciated ng dating friend niya. Hindi ba siya nagsasawa? Mukha namang hindi siya patatawarin ng dating kaibigan hangga’t sila pa rin ng ex nito.
Come to think of it, baka kapag nagkasira sila ni Gerald Anderson ay doon pa baka mabuong muli ang friendship nila.
Rufa Mae may itinatagong bagong alas
Sana nga ay marami ang manood sa pelikula na muling maglulunsad kay Rufa Mae Quinto. Mahusay namang artista ito at kahit sa comedy nakilala ay gustong kilalanin din sa ibang genre, tulad ng drama.
It’s about time na magpakilala na nang lubusan sa kanyang manonood si Rufa Mae at hindi ’yung puro ang kamalasan na lamang niya sa pag-ibig ang pinag-uusapan sa kanya. May iba pang alas sa kanyang manggas ang seksing komedyante.
Pagpapa-sexy ni Roxanne B hindi pa rin matanggap
Isa sa talagang nagkaroon ng malaking transformation sa kanyang pisikal na kaanyuan ay si Roxanne Barcelo na ngayon ay kilala sa bago niyang pangalang Roxee B. Marami siyang ginulat nang lumabas siya sa cover at inside pages ng isang men’s magazine.
Kahit nasa edad na siya ay bata pa rin ang tingin sa kanya ng lahat dahil maraming taon siyang nag-host ng isang programa para sa mga bata. At kahit sabihin niyang ginagawa niya ang kanyang pagpapa-seksi bilang bahagi ng promosyon ng kanyang album na pinamagatang WOW (Woman of the World) marami pa rin ang naaalangan na tanggapin siya sa kanyang bagong kaanyuhan. Pero in time ay naniniwala si Roxee B na natatanggap din siya ng tao.
Solenn hindi na puwede sa iba
Pinaka-crush na babae ngayon si Solenn Heussaff. Wala yatang lalaki ang hindi nagkaka-crush sa kanya. Kung sabagay, ang ganda-ganda niya, ang sexy-sexy pa. At multi-talented pa! Walang dahilan para hindi siya gustuhin ng mga lalaki.
Pero may lalaki na siya sa buhay. Kaya n’yo ba siyang tapatan, si big boy niya? Pero siguro dapat kilalanin n’yong mabuti ’yung lalaking mahal niya para malaman n’yo kung saan kayo nakatayo at kung may laban sa kanya.
- Latest