Binoy Henyo wagi sa unang araw

MANILA, Philippines - Ang latest family drama ng GMA Network, Inc. na Binoy Henyo tulad ng ipina­ngakong magandang serye ng Kapuso Network sa unang palabas nito last Monday (July 22) ay mataas agad ang rating nito.

Mula sa data ng Nielsen TV Audience Measurement, ang Binoy Henyo ay humatak ng mataas na rating sa timeslot hindi lang sa viewer-rich Mega Manila kundi maging sa Urban Luzon.

Ang Urban Luzon at Mega Manila ay nagri-represent 76 and 59 percent sa total urban TV household population nito sa buong bansa. 

Based sa last July 22 overnight data, ang program posted higher ratings kesa sa ABS-CBN counterpart na may average household rating na 14 percent versus Annaliza’s 13 percent.  

Samantalang sa Mega Manila, ang Binoy Henyo ay nag-register ng 14 percent.

Ang Binoy Henyo ay isang inspiring story ng genius boy sa role ng newest child star na si David Remo. Sa pa­ngu­nguna ng Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanyang meaty role sa pag-portray sa first mother role niya bilang si Agnes.

Ngayong linggo, na­katanggap si Binoy ng lumang robot na regalo mula sa kanyang nanay Agnes. Gamit ang kanyang creativity at imagination, ire-repair niya ang laruan at tatawa­ging “Bibot.” Si Bibot na siyang bagong best friend at magiging entry niya sa kanilang sa scien­ce fair project sa kanyang school.

Sa direksiyon ni Al­bert Langitan, ang Bi­noy Henyo ay mapa­panood mula Lunes hanggang Biyenes bago mag-24 Oras sa GMA.

Show comments