Mama Salve, dumalo ako kahapon sa launch ng YES! Most Beautiful issue. Maaga akong umapir dahil nanggaling ako sa contract-signing event ng mga anak ni Benjie Paras sa Viva Artists Agency.
Okay naman ang pagpapainterbyu nina Andre at Kobe Paras dahil nasagot nila ang mga tanong ng press tungkol sa kanilang madir na si Jackie Forster.
Aaminin ko, naki-join ako sa interbyuhan portion ng magkapatid or else baka ma-misinterpret sila at mag-nega.
Early bird ako sa YES! event kaya knows ko ang mga artista na late comer.
Pinakamaagang dumating si Ryzza Mae Dizon na nag-exit din kaagad dahil may taping pa siya ng Vampire ang Daddy Ko.
’Daaay, nakakaloka dahil kung sino pa ang sikat, siya pa ang dumating nang maaga at ’yung mga nameless ay super late.
Sa true lang, hindi ko sila mapangalanan dahil wah ko knows ang kanilang mga name.
Nagsalita talaga ako sa open forum dahil dapat matutunan ng latecomers na maging propesyonal kung gusto nila na magtagal sa business.
Na-delay tuloy ang program ng YES! dahil sa mga pa-importante na wannabes. Wannabes daw o!
Latecomer din si Alden Richards pero may valid reason siya.
Nanggaling pa si Alden sa pictorial para sa isang magazine ng Summitmedia.
Nabalitaan ko na extended uli ng isang buwan ang Mundo Mo’y Akin dahil mataas ang ratings.
Ang suwerte-suwerte ni Alden dahil extended ang show na pinagbibidahan niya. Ang ibig sabihin, madadagdagan ang datung ni Alden.
Ay, nakipag-meeting nga pala sa akin kahapon si Jenny Syquia.
Sandali lang ang pag-uusap namin ni Jenny na medyo nag-e-emote tungkol sa isang personal na problema.
Bukas ko na lang ikukuwento sa inyo ang mga napag-usapan namin ni Jenny dahil may meeting pa ako sa PAMI.