Singer ng sikat na Call Me Maybe magko-concert sa ‘Pinas!
MANILA, Philippines - Kabilang ba kayo sa nabaliw-baliw sa hit song na Call Me Maybe ni Carly Rae Jepsen? Well kung yes ang answer ninyo, darating siya sa bansa para sa one-night concert sa Araneta Coliseum na magaganap sa August 7, 2013.
Pero hindi for sale ang tickets kaya hindi ninyo kailangang mag-cash advance o gumastos. Puwede n’yong makuha ng libre.
‘Yan ay kung mag-a-avail kayo ng Huawei Ascend Mate or Huawei Ascend P6 under Globe Best-Ever MySuperPlan. Kung ayaw ng post paid, puwede rin kayong magkaroon ng free tickets kung bibili kayo ng prepaid phonekit for both handsets.
Para sa plan subscriptions na Plan 999 and up, get two (2) free VIP or Patron seats at the concert. ’Yun namang subscriptions at Plan 499 and All-Unli Plan ay makakakuha ng (2) Lower or Upper Box seats. A prepaid phonekit also comes with a free Upper Box ticket.
Kinabaliwan ng marami ang Call Me Maybe at nagkaroon ito ng iba’t ibang version kaya siguradong dadagsain ito ng fans.
“We are very excited to be part of a musical extraÂvaganza that’s set to make another concert history that Filipinos will surely remember for years. Co-presented by Globe and Huawei, the Carly Rae Jepsen Live in Manila will definitely break concert records once again with thousands of Filipinos eagerly waiting for her and her music,†sabi ni Mr. Raul Macatangay, Head of Globe Postpaid.
Sa press launching ng free tickets to Carly Rae Jepsen Live in Manila, ipinakita ang Huawei phone na tinuturing ngayong slimmest smartphone, malaki ang screen, mahaba ang buhay ng battery with 4050 mAH, quad-core processor and the latest Android OS. At ang Huawei Ascend P6 has a quad-core processor, an 8MP rear camera and a 5MP front camera at latest Android OS din.
Anyway, hindi na pala bagets si Carly. She was born November 21, 1985, and placed third in Canadian Idol Season 5.
Shortly after competing on Canadian Idol, she independently released her debut album Tug of War in 2008. Three years later, she released a new single titled Call Me Maybe na kauna-unahan nga niyang hit song at tinalbugan pa ang kantang Baby ni Justin Bieber na siyang nakadiskubre sa Canadian singer.
At siya pala ang first Canadian Idol contestant na nakapasok sa UK charts nang mag-No. 1 ang Call Me Maybe.
Dahil sa nasabing kanta naging global phenomenon siya not only in the music industry but also in social media. Sa kanyang official Facebook fanpage meron nang 7.5 million likes. She is also one of the most-followed musical artists on Twitter with close to 8 million followers.
Kathryn dusa ang inabot sa pag-aaral
Hindi nagpaka-plastic ang mga taga-Juicy cologne nang aminin nilang may iba rin naman silang naisip para maging endorser nila bago nagkaroon ng final decision na si Kathryn Bernardo ang kunin nila. Kasama sa pinagpilian nila sina Barbie Forteza at Julia Barretto, pero si Kathryn ang napili nila in the end.
Kaya naman panay ang pasasalamat ni Kathryn at itinuturing niyang blessing ang pinakabagong endorsement niya.
Samantala, nagsalita na si Kathryn sa pagkabalam sa pagpapalabas ng Got To Believe, ang serye nila ni Daniel Padilla. Mas naunang ipinalabas ang MuÂling Buksan ang Puso na isa sa mga bida ang karibal niyang si Julia Montes.
Wala naman daw problema dahil alam naman ng management (ABS-CBN) kung alin ang mas ok na ipalabas na. Besides wala pa raw naman silang nagagawang maraming episodes.
“I think, binigyan lang kami ng longer time para lalong mapaganda ang project saka para mas magkabangko kami kasi medyo hindi pa marami ‘yung nate-tape namin. And I think ’yung management alam nila ’yung right time kung kelan talaga kami puwedeng ipasok. Pero I think, very soon na po,†sagot niya.
Samantala, isa si Kathryn sa mga artistang hindi sumusuko sa pag-aaral. Sinisiguro niyang nakakapag-aral siya at tuwing Sabado ay hindi siya tumatanggap ng trabaho dahil naka-devote ang araw na ‘yun para sa kanyang studies.
Kaya ang ending wala na siyang oras para gumimik. “Kinakaya ko pa naman siya. Actually, basta ’pag Tuesdays after ng morning class ko, puwede na akong dumiretso sa work and then ’pag Saturdays, as in block-off ’yun, for my school lang the whole day. And wino-work out din naman with the production, with the schedule. Okay kasi lahat sila tumutulong para mapagsabay ko ’yung school ko with my work. So, ayun, kinakaya ko naman sa ngayon,†paliwanag ni Kathryn.
Edu hindi tumanggap ng tf, pinag-donate na lang sa kanyang cancer wing
Si Edu Manzano ang magho-host ng Chiang Kai Shek College High School Batch 1988 alumni homecoming on August 3, 6:30 p.m., at the One Esplanade. Pero walang tatanggaping talent fee ang actor-TV host. Instead na magpabayad, nag-donate na lang ang CKSC HS batch ’88 sa Adrian Manzano Cancer Wing of the Philippine Children’s Medical Center on Quezon Ave., Quezon City, which the former Optical Media Board (OMB) chief put up in loving memory of his late father.
- Latest