Isang komedyante ang pagkaÂkilala ng lahat kay Ramon Bautista na nung una ay inakalang isa sa mga kapatid ni Bong Revilla. Unang sumikat ito sa mga komersiyal sa TV na ginawa niya at sa Internet na kung saan ay hawak niya ang titulong Internet Action Star. Ngayon ay mas makikilala pa siya dahil bukod sa ang librong sinulat niya ang source ng pinaka-latest na movie na ginawa ng Star Cinema at magiging bahagi ng pagdiriwang ng ka-20th anniversary na Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo? Na nagtatampok for the first time sa big screen ng tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim, starring din siya sa pelikula. Nagtuturo siya ng film sa UP at balitang pinipilahan ang klase niya. Isa ring artista sa Hollywood ang kanyang ina.
Ang Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo? ay tungkol sa masipag, pero heartbroken na empleyado na si Sandy Veloso (Kim) at ng mayaman at guwapo niyang boss na si Alex Prieto (Xian). Katatapos lamang ng break-up ni Sandy sa kanyang boyfriend na si Gardo (Kean Cipriano ) at sa proseso ng kanyang healing, patutulong sa kanya si Alex na ayusin ang problema ng kanyang naÂluluging negosyo.
“Ibang-iba ang role ko rito. Ang layo sa lahat nang nagawa ko. Itsura ko pa lang nakakatawa na. Sana matawa ang marami kasi ako mismo natatawa sa sarili ko,†ani Kim.
“Sa movie, matututunan ng mga moviegoers kung bakit hindi sila dapat matakot magmahal at kung bakit hindi kailangang madaliin ang love dahil darating at darating naman ‘yun kapag para sa atin,†ani Xian naman.
Bagaman at pilit pa ring pinagtatambal kahit sa likod ng kamera ang dalawa, pilit nilang ipinaliliwanag na wala namang silang masasaktan o mapapasaya kung may relasyon man sila o wala. “Mas mahalaga na masaya kami sa aming friendship at isini-share namin ito sa iba. I also appreciate the fact na willing maghintay ni Xian,†paliwanang ni Kim sa napakaraÂming pag-uugnay sa kanila ng kapareha niya. Na sinusugan ng direktor nila sa movie na si Bb. Joyce Bernal ng “May chemistry sila. Kahit friends lang okay naman sila. May hope maging sila.â€
Nakatakdang mapanood sa mga sinehan ang pelikula sa July 31.
Carlo Aquino mas magaling na bakla
Wala mang masyadong proyekto si Carlo Aquino sa pelikula, pero in demand naman siya sa TV. At wala siyang role na pino-portray sa TV na hindi siya magaling. Kaya nakapagtataka kung bakit lumilipas ang panahon na hindi siya nakikita sa big screen.
Sa Maalaala Mo Kaya nung nakaraang Sabado, marami siyang pinaiyak na manood sa kanyang pagganap bilang isang nakababatang kapatid na umiidolo sa kanyang kuya sukdulang mas piliin niya ito kaysa sa kanyang ama. Hindi siya masyadong nag-i-effort umarte, pero nakikita pa rin ang kanyang henyo sa kanyang trabaho. Naalaala ko tuloy nang mapanood ko sila ni Joem Bascon sa isa pa ring episode ng MMK na kung saan ay gumanap silang mga beki na nagmahal sa isa’t isa. Akala ko nga ay matutuluyan na ako dahil nahirapan akong huminga habang pinanonood ko ang death scene ni Carlo at iniiyakan siya ni Joem. Sa MMK nung nakaraang linggo ay may ganito ring eksena, pero si Carlo naman ang umiyak habang naghihingalo si Lester Llansang na gumanap na kuya niya. Halos magkapareho ang eksena pero magkaibang pagganap ang nasaksihan ko. Sa episode nila ni Joem, pareho silang bakla pero wala ni munti mang pagpilantik ng daliri o pagkendeng ng bewang akong nakita, pero naipaabot nila ang mensaheng mga bakla sila. Hindi ko nakita sa mga karakter nila sina Dennis Trillo ng My Husband’s Lover o si Keempee de Leon sa Magpakailanman pero nagampanan nila ang role nila ng mga bakla na magaling din kung hindi man mas magaling.