Sarah sasampahan ng panibagong kaso
PIK: Suportado nina Maricel Soriano at Marian Rivera ang bagong business venture ni Mel Martinez na isang restaurant na Filipino Fusion ang specialty.
Pormal na binuksan kahapon ng umaga ang Cucina ni Bunso na pag-aari ni Mel sa may Sct. Lozano malapit sa Zirkoh Morato, Quezon City.
Close pala si Marian kay Mel dahil sa nagkasama sila sa Temptation of Wife.
Parang naiinggit tuloy si Marian kay Mel dahil talagang nag-aral pala ito ng Culinary Arts at pina-practice na niya ngayon ito sa kanyang restaurant.
Pinag-iisipan din daw ni Marian na magkaroon ng restaurant kung sakaling hindi na siya gaanong active sa showbiz. Masarap magluto si Marian at kaldereta ang specialty nito na paboritong-paborito ni Dingdong Dantes at ng pamilya nito.
PAK: Dahil sa paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5, si Marian naman ngayon ang pinag-uusapang posibleng lumipat ng Kapatid network pagkatapos ng kontrata nito sa GMA 7 sa August.
Sabi ni Marian; “Tingnan natin kung ano ang mangyayari kasi mahirap nang magsalita ng tapos eh. Pero siyempre love ko ang GMA. Although, love din naman ako ng mga ito,†nakangiting itinuro ang mic ng TV 5 at ABS-CBN 2.
“Pero malapit na ang August, so malalaman din nila,†pakli pa ni Marian.
BOOM: Mukhang may panibagong kaso na namang maisasampa si Atty. Annette Gozon-Abrogar laban kay Sarah Lahbati.
Wala pang ibinigay na statement ang abogado ni Ma’am Annette pero mukhang meron na raw talaga. Hindi nga lang muna nila masasabi kung anong kaso ito.
Ang isa pang problemang kinasuungan ni Sarah ay ang pag-alis nito ng Amerika na hindi humingi ng permiso mula sa korte.
Nakasampa na kasi ang kasong Libel sa korte at sa August 22 na ang arraignment at dapat daw humingi ito ng permiso sa korte bago siya umalis.
Pero ang sabi naman ng legal counsel ni Sarah na si Atty. Maggie Abraham, constitutional right daw iyun ng bawat isa na magbiyahe kahit may kaso ito.
Nakapag-post naman daw ng bail si Sarah at dadalo naman daw ito sa mga hearing kung kinakailaÂngan siya.
Nangako nga itong dadalo siya sa arraignment sa August 22.
- Latest