Nakatakdang magtambal sa isang pelikula ang Kapamilya star na si Bea Alonzo at ang Kapusong si Dingdong Dantes. Hindi naman daw ito lingid sa kaalaman ng kasintahan ng aktor na si Marian Rivera at nagkita at nagkaÂkilala na rin daw ang dalaga at si Bea kamakailan. “Nagkita kami ni Bea once, tapos nagkakilala kami. Siya mismo ang nagsabi sa akin na makakatrabaho raw niya si Dingdong. Sabi ko, ‘Good luck.’ Tapos ngayon okay naman, napakabait ni Bea sa akin,†nakangiting kuwento ni Marian. Hindi ito ang unang pagkakataon ni Dingdong na makagawa ng proyekto sa Star Cinema. Posible rin kaya na maÂkagawa si Marian ng pelikula sa film outfit ng ABS-CBN? “Why not? Kung may offer bakit hindi? Gusto ko ‘yan, may contract pa ako kay Mother (Lily Monteverde) na kailangan kong tapusin sa kanya at hindi naman mahirap pakiusapan si Mother just in case may mga offer para sa akin,†pagtatapat ni Marian.
Samantala, kamakailan ay napabalitang nagdadalantao na raw ang aktres pero pinabulaanan ito ni Marian. “No. kapag buntis ako sasabihin ko tapos ipo-post ko sa Instagram ko. Kasi ang pagbubuntis, kung buntis man ang isang tao, wala naman dapat itago do’n. Dapat maging proud ka pa kung sakali, ang problema hindi totoo. Aaminin ko, pinapangarap ko ‘yun mangyari sa buhay ko, pero hindi muna sa ngayon,†paglilinaw ng dalaga. Hindi pa rin daw nagpaplanong magpaÂkasal at magkaroon ng sariling pamilya sina MaÂrian at Dingdong sa kasalukuyan. “Kasi minsan ang sarap na bigla mo na lang mararamdaman sa sarili mo na, ‘Ay! Ready na ako.’ Mahirap na maraming nagdikta. Maraming nagsasalita kung anong gusto mo mangyari, siguro in time si God din magsasabi sa ‘yo na, ‘Anak, ito na ang tamang panahon.’ So wala pa naman,†giit ng aktres.
Maasinhon Trio apat na araw lang nag-recording
Pagkatapos manalo sa Pilipinas Got Talent Season 3 noong 2011 ay nagbabalik ngayon ang Maasinhon Trio para sa kanilang album launch. Binubuo ang grupo nina Andrew Sanchez, Licinius Lolo, at Bonifacio Salubre na pawang mga taga-Leyte.
Hinding-hindi raw makakalimutan ng mga mang-aawit ang kanilang bagong karanasang ito. “Binigyan kami ng four days para mag-record. So sabi ng producer namin kalimitan daw ‘yung nagre-record ng isang album umaabot ng one month. Eh sa amin apat na araw lang, siyempre hindi namin na-imagine na mangyayari ito. Talagang feeling namin blessed kami. Siguro ito ‘yung gift na bigay sa amin kasi almost 20 years na kami nagse-serve sa simbahan so ‘yun lang talaga ‘yung iniisip namin,†nakangiting pahayag ni Bonifacio.
Nahirapan man ang trio sa recording ay umaasa naman silang tatangkilikin ng mga tagahanga ang kanilang proyekto lalo na ‘yung mga mahilig sa OPM (Original Pilipino Music).
Patuloy Ang Pangarap ang carrier single ng Maasinhon Trio at mabibili na ito sa mga record stores nationwide. Reports from JAMES C. CANTOS