Michael V. babu na rin, sumunod na kay Ogie
MANILA, Philippines - Magkakaroon na rin ng programa si Michael V. sa TV5. Yup, you read it right folks. Hindi naman kasi pala exclusive ang contract ni Michael V.sa GMA 7 kaya diumano tinanggap nito ang offer na maging host ng isang franchised show.
Wala pang masyadong details ang source pero done deal na raw ito.
Unless ha, habulin siya ng GMA 7 ngaÂyong nag-leak na ang kuwento tungkol dito.
GMA nagpasalamat
Naglabas na ng opisyal na pahayag ang GMA 7 tungkol sa pagtiwalag sa kanilang network ni Ogie Alcasid. Nagpasalamat pa ang GMA sa singer/comedian/composer.
“As Ogie Alcasid moves on to explore new grounds, GMA Network, his home for almost two decades, wishes him all the best. We thank him for being a part of the Network’s success all these years.
“His achievements as a singer, songwriter, comedian, host and actor make Ogie the icon that he is now. And the Kapuso Network is proud to have been with him throughout this journey.â€
Kim ayaw pa ring pag-usapan si Maja
Hindi pa rin kaya ni Kim Chiu na pag-usapan si Maja Salvador. The other night sa presscon ng pelikula nila ni Xian Lim na Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo under Star CineÂma nakiusap si Kim sa mga nangungulit sa kanya tungkol sa status ng friendship nila ng dating BBF na nalamatan nang makiÂpagrelasyon ito kay Gerald Anderson. “Let’s not talk about her,†simpleng sagot ng young actress na hanggang ngayon ay walang inaamin tungkol sa kanila ni Xian. Ang set up daw nila ng kanyang ka-love team ay walang label.
Aktor dinudugo
Awang-awa ang isang director sa isang aktor na literal na dinudugo ang puwet dahil diumano sa ginagawa ng kanyang manager.
Pang-adult ang kuwento ni Direk tungkol sa nasabing young actor na dyinowa diumano ng kanyang manager kaya nagkaroon sila ng sexual contact.
Pero iba raw ang trip ng manager dahil nagpi-feeling babae raw ito kaya ayun ang kawawang aktor daw ang nagdurusa ngayon.
Wala na munang clues dahil nakaka-sad ang kuwento ni Direk dahil kilalang mabait ang aktor na ito.
- Latest