May meeting this Tuesday sa GMA Network, Inc. ang Triple A Management ni Marian Rivera para sa next project na gagawin ng aktres sa network. Sabi ni Rams David, two scripts ang ipi-present sa kanila at titingnan nila kung ano ang mas maganda at mas babagay kay Marian.
Kamakailan lang ay naimbita sina Marian at Rams nina Manny V. PangiÂlinan, Noel Lorenzana, at Wilma Galvante sa isang dinner. Kahit sinabing dinner lang ’yun, siguro naman napag-usapan din ang offer ng TV5 sa aktres.
Tinanong namin si Rams sa sitcom na gustong gawin ni Marian, open daw sila, pero wala pang script na pinapakita sa kanila. Baka sa meeting mamaya kasama na ang script sa sitcom na i-present sa team ni Marian.
Sa tanong pa kung ang ibig sabihin nang pakikipag-meeting niya sa GMA Network ay magre-renew ng kontrata si Marian at hindi lilipat sa ibang network, may sagot si Rams, hindi lang namin masyadong narinig. Hahaha!
Althea papasa na nanay ni Ryzza Mae
Napapangiti si Althea Vega tuwing sinasabi ng mga kaibigan na kamukha niya ang child star na si Ryzza Mae Dizon at mas kamukha nga siya nito kesa kay Maey Bautista. Sabi ng press people na nag-interview sa aktres para sa Cinemalaya entry niyang Amor y Muerte (Love and Death), papasa siyang nanay ng bagets ’pag pinagsama sa project.
Gustong makita ng personal ni Althea si Ryzza Mae at sana nga i-guest siya sa The Ryzza Mae Show para magkaharap sila. Curious na nga kaming makita ang magiging reaction ng Aling Maliit ’pag na-meet si Althea.
Anyway, gugulatin muli ng indie film actress ang manonood ng Amor y Muerte sa pagiging mapangahas ng tema ng pelikula sa direction ni Ces Evangelista at sa daring scenes at love scene ni Althea. Tumagal ng 47 minutes ang love scene nila ni Markki Stroem at 36 minutes naman ang love scene nila ni Adrian Sebastian.
Sa July 31, 6:30 p.m., sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines ang gala screening ng Amor y Muerte kasama ang magaling na aktres na si Amable Quiambao at isa sa mga last movie ng aktres bago ito pumanaw.
Maricel Ganado nang magtrabaho
Kasama pala sina Cristine Reyes at KC Concepcion sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Viva Films at Star Cinema na Girl Boy Bakla Tomboy. Gusto raw ni Boss Vic del Rosario na mas lumakas pa ang pelikula nina Maricel Soriano at Vice Ganda kaya isasama sa nabanggit na pelikula sina KC at Cristine.
Kina Maricel at Vice Ganda pa lang nakakatawa na ang movie, idagdag pa si Joey Marquez na gaganap na asawa ni Maricel at ama ng apat na karakter ni Vice Ganda, tripleng katatawanan ito sigurado.
Si Wenn Deramas ang director ng Girl Boy Bakla Tomboy at tsika sa amin, sobrang magkasundo sina Maricel at Direk Wenn kaya super excited ang aktres na simulan na ang shooting ng movie. Blessing daw kay Maricel si Direk Wenn at isa sa mga rason kung bakit ganadong magtrabaho at laging masaya ang Diamond Star.
Dahil sa Survivor Philippines, Richard nominado sa Emmys
Maging motivation kaya kay Richard Gutierrez na agad balikan ang showbiz sa balitang nominated sa Outstanding Directing for Non-Fiction Programming sa 65th Emmy Awards ang Survivor Philippines Live Finale and ReÂunion na siya ang host? Last July 18 ini-announce ang nominees at kasama nga ang episode na ’yun ng Survivor Philippines.
Nasa Amerika ngayon si Richard, nagbabakasyon kasama ang pamilya at ang girlfriend na si Sarah Lahbati. Sa last interview ng actor, nabanggit na magbabakasyon muna siya ng mahabang panahon bago balikan ang showbiz. Pagbalik nito from the States, saka itutuloy ang pag-aaral ng filmmaking.
Sa Sept. 22 ang Emmy Awards, live sa CBS at host si Neil Patrick Harris. Kung sabihan ng GMA Network na dumalo si Richard sa awards ceremony, pumunta kaya ito?