MANILA, Philippines - Maghahatid ang ABS-CBN ng pinakasariwa at pinakamahalagang balita mula sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Lunes (Hulyo 22) sa malawakang coverage nito sa telebisyon, radyo, at internet.
Pangungunahan ang Sa Gitna ng Daang Matuwid: State of the Nation Address 2013 coveÂrage ng mga batikang mamamahayag na sina Ted Failon para sa ABS-CBN at Studio 23, Tina Monzon-Palma para sa ANC, at Gerry Baja at Anthony Taberna para sa DZMM Radyo Patrol at DZMM TeleRadyo.
Magpapatrol naman sina Lynda Jumilla at Tony Velasquez kasama ang iba pang ABS-CBN news reporters live mula sa Batasan.
Tutukan ang mga eksklusibong panayam at pinakahuling pangyayari sa SONA, pati na ang masusing paghihimay sa mga isyu ng ilang guest paneÂlists mula sa University of the Philippines-NCPAG.
Huwag magpahuli sa usapan at bisitahin ang Aquino Promises Tracker sa ABS-CBNNews.com kung saan nakatala at sinusuri ang mga pangako ni Pangulong Aquino sa ekonomiya, edukasyon at sports, kahirapan, kalusugan at kalikasan, turismo, at iba pang maiinit na isyu. Sinusukat din ng microsite ang pulso ng bayan mula sa polls nito kung saan maaaring markahan ng netizens ang naging performance ni PNoy sa bawat kategorya mula nang maluklok siya sa puwesto noong 2010.