^

PSN Showbiz

ABS-CBN, pagpapatrol sa ikaapat na SONA ni Pnoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maghahatid ang ABS-CBN ng pinakasariwa at pinakamahalagang balita mula sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Lunes (Hulyo 22) sa malawakang coverage nito sa telebisyon, radyo, at internet.

Pangungunahan ang Sa Gitna ng Daang Matuwid: State of the Nation Address 2013 cove­rage ng mga batikang mamamahayag na sina Ted Failon para sa ABS-CBN at Studio 23, Tina Monzon-Palma para sa ANC, at Gerry Baja at Anthony Taberna para sa DZMM Radyo Patrol at DZMM TeleRadyo. 

Magpapatrol naman sina Lynda Jumilla at Tony Velasquez kasama ang iba pang ABS-CBN news reporters live mula sa Batasan.

Tutukan ang mga eksklusibong panayam at pinakahuling pangyayari sa SONA, pati na ang masusing paghihimay sa mga isyu ng ilang guest pane­lists mula sa University of the Philippines-NCPAG.

Huwag magpahuli sa usapan at bisitahin ang Aquino Promises Tracker sa ABS-CBNNews.com kung saan nakatala at sinusuri ang mga pangako ni Pangulong Aquino sa ekonomiya, edukasyon at sports, kahirapan, kalusugan at kalikasan, turismo, at iba pang maiinit na isyu. Sinusukat din ng microsite ang pulso ng bayan mula sa polls nito kung saan maaaring markahan ng netizens ang naging performance ni PNoy sa bawat kategorya mula nang maluklok siya sa puwesto noong 2010.

ANTHONY TABERNA

AQUINO PROMISES TRACKER

DAANG MATUWID

GERRY BAJA

LYNDA JUMILLA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RADYO PATROL

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with