Jennylyn gustong idemanda ang nanay ni Patrick

PIK: Mamayang hapon bago mag-24 Oras na magsisimula ang bagong family drama series na Binoy Henyo, na tatampukan ng bagong Kapuso child star na si David Remo.

Si Sheena Halili ang gaganap na ina nito at kasama pala talaga siya sa pumili sa batang bida para mas maramdaman niyang magaan ang loob nito.  Kay David niya ito nakita, kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob.

PAK: Nakati-katihan ng isang kilalang TV host na kantyawan ang kilalang male singer sa sikat na aktor na matagal nang naiintriga sa kanya.   

Dahil usung-uso naman daw ngayon ang My Husband’s Lover, tinanong ni TV host si male singer kung meron ba siyang kantang i-dedicate kay sikat na aktor na na-link sa kanya? “Ikaw talaga,” sagot lang ni male singer kay TV host.

Ilang sandali, napalapit na naman si male singer kay TV host, kinulit niya uli ito. Kung alin dun sa album niya ang theme song nila ni sikat na aktor. Lumayo na lang si male singer at hindi na umimik. Mabait naman kasi itong si male singer, kaya hindi na lang siya nagsalita kahit halatang medyo nairita na ito. Hindi na siya lumapit uli kay TV host.

BOOM: May kumalat na balitang magsasampa raw ng demanda si Jennylyn Mercado laban sa ina ni Patrick Garcia na si Mrs. Bing Garcia dahil sa mga ipinost nito sa kanyang Twitter account na inilabas ng isang blogger.

Matindi ang mga isiniwalat doon ni Mommy Bing kaugnay sa problema nina Jennylyn at ng anak niyang si Patrick Garcia.

Dalawang linggo na ang nakaraan nang may magsabi na nakahanda na raw ang demanda ni Jennylyn, pero napag-alamang hindi na niya itutuloy dahil ayaw na niyang madamay pa ang kanyang anak.

Kaya maingat si Jennylyn sa mga interviews dahil pagdating sa kanyang anak, ayaw na niyang isapubliko pa ito.

Napag-alamang napakatagal na pala ang mga nai-tweet na iyun ni Mommy Bing.

Show comments