Kim pumayag magpababoy
MANILA, Philippines - Malakas ang aliw factor ng pelikulang Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo na pinagbibidahan nina Kim Chiu and Xian Lim base sa trailer na ipinalalabas.
Ayon kay Kim, binaboy at nagpababoy daw naman kasi siya talaga sa pelikulang ito dahil nagtiwala siya kay Direk Joyce Bernal na siyang nagdirek ng movie. Humiga siya sa tabi ng inidoro at pinapanget nang husto.
Anyway, sinabi ni Kim sa interview ni Tito Boy Abunda kahapon sa The Buzz na hindi pa rin sila ni Xian. Close pa lang daw sila. Pero sobrang bonded daw sila at nagpapasalamat siya kay Xian sa mga ginawa nito especially noong time na namatay ang kanyang ina.
Kaya naman nang mag-birthday si Xian, ginastusan ni Kim.
At nakakatawa na si Kim sa kanyang interview kahapon. Katuwiran niya sa nangyari sa kanyang ina “everything happens for a reason. Doon lang ako kumakapit. May dahilan kung bakit nangyari ‘yun,†sabi niya kahapon sa interview ni Tito Boy.
Pero ang hindi namin nabilang ay kung ilang beses niyang ginamit ang salitang ‘nakakaloka’ sa nasabing interview.
Martin ang laki nang ipinayat
Payat na payat ang hitsura si Martin Nievera sa poster ng kanyang 30th anniversary concert. Kaya ang tanong ng mga nakakita sa lumabas na ads sa mga dyaryo, ito na ba ngayon si Martin o dumaan ang nasabing litrato ni Martin sa photoshop?
Kasi raw last week naman nang mapanood nila si Martin sa ASAP 18 hindi naman ganun kapayat ang concert king.
Well, binagayan si Martin ng kanyang kapayatan sa nasabing ads ng kanyang concert na Martin Nievera The Anniversary Concert 3D na gaganapin sa Septermber 13, Araneta Coliseum, directed by Rowell Santiago.
Siyempre kakantahin ni Martin sa nasabing concert ang mga pinasikat niyang kanta sa loob ng tatlong dekada.
Aabot kaya sa 30 ang magiging guest ang concert niya like Ogie Alcasid na magsi-celebrate ng 25th anniversary at 25 din ang magiging guest sa kanyang concert sa MOA Arena na gaganapin naman sa August 16?
Jackie Forster kinaawaan nang umatungal sa interview
Ang ganda ni Jackie Forster kahit todo-todo ang iyak niya kahapon habang ini-interview ni Tito Boy Abunda sa The Buzz.
Nagre-reflect sa mukha niya na masaya na siya sa piling ng asawang Dutch kung saan ay nakabase sila sa Malaysia at meron silang dalawang anak. ‘Yun nga lang umaatungal talaga siya sa interview.
Professional make-up artist na raw si Jackie sa Malaysia.
Maraming naawa kay Jackie sa nasabing interview. Ramdam naman nila na sincere naman ang pakiusap nito sa mga anak kay Benjie Paras na sana ay magkaroon uli siya ng puwang sa anak niyang dalawa na ibinigay pala kay Benjie ng korte ang custody nang maghiwalay sila.
Ang sabi ni Jackie ay ginawa niya ‘yun para sa ikabubuti ng lahat.
Dumating sa punto sa nasabing interview na ipinatanggal pa ni Jackie ang camera dahil todo iyak na siya.
Ayaw na ni Jackie na balikan kung anuman ang mga nangyari noon pero sana raw ay magkaroon siya ng chance na makasama ang mga anak na araw-araw niyang pinagdarasal at hindi siya tumitigil para mapalapit sa mga ito.
Pakinggan kaya ng kanyang dalawang anak sa basketbolista ang pagsusumamo ng kanilang ina?
Cassandra dalawang linggo na lang sa ere
Malapit na palang magtapos ang fantasy series ng TV5, ang Cassandra: Warrior Angel. At sa huling dalawang linggo ng primetime serye na ito, lilipunin ni Cassandra (Eula Caballero) ang kampon ng kabutihan para sa nalalapit na laban nito sa mga maligno. Para dito, kakailanganin niya ang tulong ng kuya niyang si Cristoff (Alwyn Uytingco).
Bagama’t magkasama na ang mag-inang Larissa (Eula Valdez) at Calix (Josh Stangeland), pilit pa ring hinahanap ni Larissa ang kanyang asawang si Uriel (Gabby Concepcion). Sisiguraduhin naman ng masamang kambal niya na si Azrael na hindi mabubuo ni Larissa ang kanyang pamilya.
Ayon sa bida ng show na si Eula Caballero, marami raw ang mabibigla sa pagkamatay ng ilang karakter na napamahal na sa lahat. Sinu-sino kaya ang mga ito? Matagal na ring nagtatanong ang mga fans ng show kung sino kina Gabriel (JC de Vera) at Jude (Albie Casiño) ang pipiliin niya.
Mapapanood ang Cassandra gabi-gabi, 7:00 p.m. sa TV5.
- Latest