I’m sure magiging tinik sa lalamunan ni Gabby Concepcion ang kawalan ng interes sa kanya ng anak niya kay Jenny Syquia na si Cloie. Mas baÂbaon pa ng malalim ang tinik na ito kapag hindi siya kinilala ng anak. Bunga ito ng pangyayaring ngaÂyon lamang sila magkakakilala. Nung panahong lumalaki si Cloie ay ang amain ang nasa kanyang tabi.
Pero kung ako at ang maraming tagasubaybay ng showbiz ang tatanungin, mas mabuting magkasundo sila ng kanyang ama. Mahirap magtrabaho sa isang industriya na ang ama niya ay isa sa mga kinikilala ay hindi kasundo. Napakaliit ng munÂdo na kanilang ginagalawan para hindi sila maÂdalas magkita o magkasama sa trabaho.
Paano na ang mga kapatid niya na sina KC at Garie, isasama din ba niya sila sa kanyang kawalan ng interes?
Pacman dapat patunayan ang sinabing hindi pa siya Laos
Dapat patunayan ni Manny Pacquiao ang mga sinabi niya na hindi pa siya laos at katiempuhan lang ang pagkatalo noong huli niyang laban. Kailangang maipanalo niya ang nakatakda niyang laban bago matapos ang taong ito.