Charice matagal nang pinapangarap si Aiza

Matutupad na ang pangarap ni Charice na ma­ka­sama si Aiza Se­guer­ra sa isang mala­king concert. Magkakaroon ng major show ang dalawa sa September 28 at gaganapin ito sa Araneta Coliseum. “I can’t wait, kasi you know she’s one of my inspirations. And isa rin ‘yun sa mga reasons kung bakit sobrang excited ako sa concert na ‘to kasi gus­to ko ring ipakita sa mga tao na this is the first time I will perform with someone who I look up to,” naka­ngiting pahayag ni Charice.

“It’s an honor, kasi isa rin ‘to sa way to send a wonderful message to all the people. Gusto namin na ipakita na this is who we are. Kumbaga parang hindi pa ‘to nangyari, this is the first time ever na mangyayari ‘to sa Philippine history,” dagdag pa ng international singer.

Aminado rin si Charice na talagang idolo niya si Aiza noon pa man at isa sa mga paborito niyang kanta ay ang Pagdating ng Panahon. “May istorya ‘yan, kasi noong sumali ako sa singing contest, vi­deoke siya, tapos bunutan ng kanta, tapos nabunot ko  Pagdating ng Panahon, tapos nanalo ako with that song,” natatawang kwento ni Charice.

Naniniwala rin ang singer na may pagkakapareho sila ni Aiza sa maraming bagay. “Sobra ang pagkakapareho namin, siyempre pareho kaming makulit, ganyan, although minsan nahihiya pa ako,” pagtatapos ni Charice.

Cherie aminadong ginagaya si Mylene

Kakaibang Cherie Gil ang napapanood tuwing gabi sa teleseryeng Muling Buksan Ang Puso sa Primetime Bida.

Markado ang aktres sa pagiging magaling na kontrabida sa kanyang mga proyekto pero ayon kay Cherie ay ibang-iba raw ito sa lahat ng kanyang mga nagawa.  “This role I’m playing is totally different and I’m really, really excited to keep going to work dahil sa challenge ng role na ito. This is a woman who has gone through a lot of hardships in life na basically mahirap ‘yung laging umiiyak para sa akin, ‘yung laging suffering. I’m totally deglamorized. Although on the lighter side, haliparot ako dito at malandi so that’s the good side,” natatawang pahayag ni Cherie.

Inamin din ni Cherie na ang kanyang inspirasyon sa kanyang bagong role ay isang mas naka­babatang aktres na kanya ring kaibigan. “Natutuwa ako, aaminin ko sa inyo ang peg ko dito si Mylene Dizon. For characters basta astig siya, I can say she’s very feminine and you’ll fall in love with her. Although sometimes when she’s offered naman roles, she’ll say ang gagawin niya do’n mala-Cherie Gil. Naggagayahan kami kasi magkakasama kami lagi,” kuwento ng aktres.

Masaya rin si Cherie na makatrabaho ang mga bida ng serye na sina Julia Montes, Enchong Dee at Enrique Gil. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments