CEBU, Philippines - Mibalik na sa pag-arte si Rich Asuncion pinaagi sa bag-ong serye sa GMA-7 nga Binoy Henyo human pipila siya ka buwan nga nahilom sa showbiz. Ang seryeng Ang Aso ni San Roque maoy ulahing proyekto nga iyang nagama sa iyang mother network.
Mapasalamaton ang aktres nga nahatagan dayon siya og laing kabisihan karon ug nagpakita lang nga wala gihapon molubad ang iyang career. Taas na og naabtan si Rich sukad siya nahimong First Princess sa StarStruck: The Next Level niadtong 2007. Siya usab ang napili nga First Runner-up sa Binibining Pilipinas 2009.
Q and A
Banat News Hugyaw: Paano ka napunta sa Binoy Henyo? Nag-audition ka ba?
Rich: Sa mabuting palad, hindi ko naman kinailangan mag-audition. It was because of GMA Artist Center kaya ako napasama sa show na ito.
Banat News Hugyaw: Ano ang karakter mo dito at paano mo ito pinaghandaan?
Rich: Teacher ako rito sa Binoy Henyo. Ni-recall ko ‘yung mga experience ko with my teachers before. Siyempre na-experience ko rin nung bata ako ‘yung may strict na teacher. Basically, ganun lang.
Banat News Hugyaw: What is your dream role? Natupad na ba?
Rich: Gusto ko ‘yung tipong heroine or Wonder Woman ako. Medyo nandun pa kasi ‘yung notion natin na weak ang mga babae so gusto ko lang i-prove sana na girls are strong. It’s more on women empowerment.
Banat News Hugyaw: Ano ibang pinagkaka-abalahan mo ngayon?
Rich: School. Regular naman ‘yun eversince nag-start ako sa showbiz, nandyan lang ‘yung school. So, kung wala akong trabaho, naka-focus ako sa school lang. And if may work, hindi ko rin naman binibitawan. (Course/School) Tourism in UP-Diliman. Pumapasok ako twice a week lang, full load. Time management lang siguro kaya ko naba-balance ‘yung work sa school. Minsan nag-aaral na lang din ako sa set. Nae-enjoy ko ‘yung school as much as ne-enjoy ko ‘yung trabaho ko. Actually kasi three years na rin akong working student. Hindi na rin ako sanay na walang ginagawa. (Year level) Actually, fourth year standing na ako ngayon, may mga naiwan lang akong ibang subjects, so baka abutin pa ako ng more than a year.
Banat News Hugyaw: Ano ang kadalasan mong ginagawa sa free time mo?
Rich: Pag may free time, nagpapahinga ako. So kung talagang day off, walang trabaho, at wala pang school, pahinga lang talaga tapos minsan bakasyon sa amin.