MANILA, Philippines - Ngayong Linggo sa Salamat Dok, samahan si Dr. Vicki Belo na ipakikita ang mas marami pang paraan ng paglaban sa pagtaba at sa pagtanda.
Limang key procedures ng Belo Medical Group ang mapapanood sa gabay ng beauty guru at cosmetic expert: Smart Lipo, Thermage, Botox Masseter, Fractional CO2, at Embedded Needle.
Ang Smart Lipo ay isang paraan na makakapagpabawas ng mga hindi kanais-nais na kurba sa katawan pero walang sakit at discomfort na mararamdaman ang pasyente.
Para sa sagging skin, subukan ang Thermage. Kilala na ito sa buong mundo na siguradong nakakapag-lift at tighten ng balat. Gumagamit ng radiofrequency technology ang non-surgical treatment na ito para makapaglabas ng bagong collagen ang balat.
May paraan din kung medyo hindi happy o komportable ang korÂte ng mukha, kunwari masyadong masculine ang panga. Ang Botox Masseter ang sagot dito. Nagagawang bawasan ang muscle sa panga para hindi magmukhang malaki. Sagot din ito sa mga nagkakaroon ng chronic jaw locking at jaw pain.
Kung may kinaiinisang marka o peklat sa katawan, tingnan ang magagawa ng Fractional CO2. Gamit ang mga laser, itinatama nito ang mga scar, wart, lesion, at iba pang skin imperfection. Ang maganda pa, wala nang masyadong sakit ay less post-procedure care pa.
Sa mga linyang nakakapagpalungkot ng mukha, ang Embedded Needle treatment ang dapat. Pumapasok ito sa malalalim na frown lines tulad ng kunot ng noo.
Mainit na mainit din ang pagtanggap sa Herbal Diet Pills at Biosculpt ng Belo Medical Group at pag-uusapan ito sa show ngayong Linggo ng 7:30 a.m., sa ABS-CBN, kasabay sa ANC.
Bagong bihis isyu tatalakayin sa Gandang Ricky Reyes
Mga kuwento ng pagbabago sa iba-ibang larangan ang bibigyang-pansin ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas diyes ng umaga sa inyong paboritong GMA News TV show na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT)
Sa unang pagkakatao’y special guest si Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (Mowelfund) chairperson Ms. Boots Anson-Roa.
Sasalang sa isang one on one interbyu si Tita Boots with GRR TNT host-producer Mader Ricky Reyes at iisa-isahin ng magaÂling na aktres ang mga benepisyo na ibinibigay ng asosasyon sa mga miyembro tulad ng pambili ng maintenance medicines, pambayad ng hospital bills at death benefits.
Papasyalan naman natin ang isang bagong gimikan-kainan sa isang sikat na mall sa Maynila. Masisiyahan kayo sa masasarap na putahe at aaliwin ng mga waiter at waitress na naka-costume ng kani-kanilang movie hero.
Sa hiling ng maraming manonood ay ibabalik ni Mader RR ang demo sa paglalagay at pagtatanggal ng Magic Eyelash na mabibili sa lahat ng Gandang RR Salon all over the Philippines.
Sa mga mahilig magpaganda pero natatakot na baka sila masaktan, may irerekomenda si Mader na lugar kung saan may mga pampaganda ng kutis at nakagagamot ng sakit sa balat na modernong teknolohiya ang proseso kaya – walang aray!
Lahat ng ito at marami pang iba sa GRR TNT prodÂyus ng ScriptoVision.
Nash, sinabotahe ang sleepover ng girls!
May balak na namang gumawa ng kalokohan ang mga Break3rs na sina Benj (Nash Aguas), Drake (Jairus Aquino) at Archie (Kobi Vidanes)—at ang target naman nila ngayon ay isang sleepover sa bahay ni Lexie (Alexa Ilacad) sa Luv U ngayong Linggo (Hulyo 21).
Kailangan na ng mga estudyante ng Luv U na asikasuhin ang kanilang mga grado sa paaralan, at sa ibibigay na long test sa klase ni Ms. Belo (Cai Cortez), nararapat na mag-aral ng mabuti ang lahat ng mga teens—kaso patuloy pa rin ang war ng Break3rs at ang grupo nina Lexie. Dahil dito, biglang inasar ni Shirley (Sharlene San Pedro) ang mga boys at sinabi na kailangan nila ng maÂtinÂding review dahil malabo ang tsansa na pumasa sila Benj. Sa pikon ni Benj sa mga girls, nag-isip na naman siya ng paraan para makaganti—at binalak niyang makahanap ng magagawa para mapabagsak ang mga grado nina Shirley.
Nalaman nina Benj na mag-gu-group study sina Lexie, Shirley at Marj (Mika dela Cruz) sa bahay ni Lexie. Nakita niya ito bilang saktong oportunidad para hindi makaaral nang mabuti ang mga girls. Maraming gagawin ang mga Break3rs para lamang makuha nila ang gusto nila—manakot, mag prank call, at iba pa.
Huwag Ka Lang Mawawala patuloy na tinatalo ang My Husband’s Lover
Naghahari pa rin sa Philippine primetime TV ang hit superhero teleserye ng ABS-CBN na Juan dela Cruz na pinagbibidahan ng Teleserye King na si Coco Martin.
Patunay dito ang pinakahuling datos noong Miyerkules (Hulyo 17) mula sa Kantar Media.
Pumangalawa sa Juan dela Cruz ang pinaÂkaÂbagong Kapamilya teleseryeng Muling Buksan Ang Puso.
Gayundin, reynang-reyna pa rin ng time slot nito ang fast-paced Kapamilya drama na Huwag Ka Lang Mawawala ng Pinoy Soap Opera Queen Judy Ann Santos na nagkamit kamakailan ng 21.9% national TV ratings o mas mataas ng limang puntos sa katapat nitong seryeng My Husband’s Lover.