Ayaw na ayaw na ni LJ Reyes na mapag-usapan pa si Paulo Avelino, lalo’t magkaiba na sila ng network at ang anumang sasabihin niya ay baka makaapekto pa nang hindi maganda sa dating karelasyon at ama ng kanyang magtatatlong gulang na anak na lalaki na pinangalanan niyang Aki.
“We’re okay. Kailangan lang naming mag-usap dahil nga may anak kami pero sa personal naming relasyon ay marami pa kaming pinag-uusapan at inaayos. But in general, masaya kami. Hindi pa nga lang ako puwedeng magsalita tungkol sa kanya,†sabi ng 25 taong gulang na aktres.
Sinabi rin niya na hindi niya pinakikialaman ang Kapamila actor kung anong klaseng role ang tatanggapin nito, kahit seksi pa ito, tulad nang ginagampanan niya sa mga indie film na ginagawa niya.
“Hindi naman ako nagtotodo-todo sa pagbibilad ng katawan, ’yung talaÂgang kailangan lamang. Even in doing love scenes, nilalagyan ko rin ng limitasyon ang sarili ko. At namimili rin ako ng pelikula na gagawin ko. Lumalaki na ang anak ko at kapag napanood niya ang movies ko ay ayaw ko namang ma-shock siya,†paliwanag ng hands-on mom na siyang naghahatid sa kanyang anak sa pagpasok sa school.
She also takes him sa annual na pagdalaw niya sa kanyang pamilya sa US.
“Sa ngayon, pinaghahandaan na namin ang birthday niya sa July 24. Magkakaroon siya ng party dito lang sa bahay. Paulo has promised to attend. Also ’yung mga kamag-anak niya sa side ni Paulo. Okay naman ang pami-pamilya namin, magkakasundo silang lahat,†pagmamalaki ng aktres.
Pinipilit mapanatili ni LJ ang maganda niyang pangangatawan para sa kanyang sarili at para rin maka-cope sa mahirap na pag-aalaga ng isang lumalaking anak. “May trainor ako na pumupunta ng bahay every day. Every other day I go to the gym para sa work out ko,†sabi niya.
Sam at KC napapalutang ni Juday
Napapanood ko gabi-gabi si Sam Milby sa Huwag Ka Kang Mawawala at sila ni KC Concepcion ang pinaniniwalaan kong humahatak ng maraming manonood sa teleserye ng ABS-CBN, bukod pa sa kakaibang kuwento nito. Talaga sigurong napakagaling ng performance nila kung kaya sobra ang galit ko sa kanila na nadadala ko kahit wala na ako sa harap ng TV.
Kung sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ay inaabangan ng marami sa kanilang mga physical encounter, ganun din ang heartthrob na isa nang mapagkakatiwalaang aktor ngayon at ang anak ng Megastar na ewan ko kung napapanood ang napakagaling na performance ni KC bilang ang kontrabidang si Alexis.
Tama lang si Sam na papurihan ang napakaÂgaling ding performance ni Judy Ann Santos dahil napapatingkad nito ang role niya. Kung pipitsugin ang kapareha ni Sam ay hindi lulutang ang kanyang pagganap bilang isang napakalupit na asawa. Mas malupit pa nga ang character ni Sam kung tutuusin kumpara kay Tirso Cruz III dahil hindi pa ito nakitang nananakit ng babae na hindi tulad ni Eros (Sam) na hindi lamang si Anessa (Juday) ang pinagmamalupitan kundi maging si Alexis (KC) din.
Vice Ganda walang planong mamahinga sa Sunday show
Sa kabila ng inihatol na pamamahinga kay Vice Ganda ng kanyang mga doctor dahil sa kanyang karamdaman sa kanyang lalamunan, hindi matitigil ang pagpapalabas ng Gandang Gabi, Vice. Patunay dito ang pinakahuling datos mula sa Kantar Media noong Linggo (Hulyo 14) kung kailan guest ni Vice ang The Voice of the Philippines coach at Black Eyed Peas member na si apl.de.ap at ang sikat na hiphop artist na si Abra. Muling nanguna sa timeslot nito ang Gandang Gabi Vice taglay ang 19.7% national TV ratings, o mas mataas ng limang puntos sa katapat nitong programa.
Mula nang umere noong 2011 at hanggang sa ngayon na tinagurian itong “trending capital of the Philippines†dahil sa pagiging top trending topic ng show at ng mga guest nito sa sikat na microblogging site na Twitter ay hindi na tumigil sa kanyang pag-angat ang show ni Vice Ganda.