Posibleng pagsasapribado ng PNR at panawagang buwagin ang SK, bubusisiin ni Ted

MANILA, Philippines - Bubusisiin ni Ted Failon ngayong Sabado (Hulyo 20) kung paano maisasakatuparan ang planong bagong ruta ng mga tren ng PNR mula Manila hanggang La Union, at Manila hanggang Bicol sa Failon Ngayon. 

Hindi pa man nasisimulan ang proyekto ay binabatikos na ito dahil sa P70 bilyon pang utang ng PNR. Pangamba ng ilang kritiko, maaring matulad ito sa Northrail Project o High Speed Railway noong 2006 na ginastusan ng milyong dolyar ng gobyerno subalit 20% lamang ng konstruksiyon ang natapos.

Kailangan na nga bang maging pribado ang PNR para makapaghatid ng mas magandang serbisyo? Totoo nga bang papasanin ng mga pasahero ang utang at gastos sa operasyon nito kapag ito’y naisapribado?

Samantala, susuriin din ni Ted ang panawagan ng ilang opisyal ng administrasyon na buwagin na ang Sangguniang Kabataan (SK) simula sa darating na barangay elections ngayong taon.

Ayon pa kay Commission on Elections Commissioner Lucenito Tagle, nasasayang lamang ang budget na nilalaan sa SK gayung minumulat lamang umano nito ang kabataan sa katiwalian. Iginiit naman ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na hindi dapat puntiryahin ang SK gayung ang buong sistemang pulitikal sa barangay mismo ang dapat baguhin. Dapat na nga bang buwagin ang SK, o kailangan lang itong ireporma?

Panoorin ang Failon Ngayon ngayong Sabado (Hulyo 20), 4:45 p.m., pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.

Show comments