Jessy ikinukumpara pati kay Marian

Malapit nang mapanood sa Kapamilya Network ang bagong tele­serye ni Jessy Mendiola na Maria Mercedes. Makakatambal ng aktres sa nasabing proyekto sina Jake Cuenca at Jason Abalos. Ngayon ay naikukumpara si Jessy kina Erich Gonzales at Marian Rivera na silang mga naunang gumanap sa Mexicanovela na pinasikat ni Thalia noon, ang Maria La Del Barrio at Marimar.

“Magkaiba naman si Maria La Del Barrio at si Maria Mercedes. So, siguro ’yung pag-portray ko bilang Maria Mercedes iba na siya sa pag-portray ni Erich kasi magkaiba rin kami ni Erich. Hindi naman talaga maiiwasan ’yung comparison.

“Even with Marian Rivera kino-compare rin ako kasi siya nag-Marimar sa kabila. Marami namang soaps si Thalia kaya expected naman na mako-compare and I guess I’ll just have to accept kung ano ’yung opinion ng ibang tao kasi marami rin naman ’yung nagsasabi na bagay at marami rin nagsasabi na mas bagay si ganito sa ganyan. Eto na po, ako na si Maria Mercedes,” nakangiting paliwanag ni Jessy. Isa raw ito sa mga pinangarap ng dalaga na natupad kaya tuwang-tuwa siya.

“Sino ba naman ang hindi matutuwa na ikaw ang gaganap na Maria Mercedes? Bilang hamak na supporter ni Thalia, noong sinabi sa akin na ako si Maria Mercedes, masayang-masaya ako at nagpapasalamat ako sa ABS-CBN. Pinapanood ko dati lahat ng shows niya, pangarap kong maging tulad niya. Sobrang saya ko na hanggang ngayon pinagkakatiwalaan pa rin ako ng ganito kalaking role,” giit ni Jessy.

Ang dalaga rin ang kumanta ng theme song at katulad ni Thalia ay si Jessy din ang bida sa music video ng sarili niyang serye.

Jodi gustong balikan ang eskuwelahan

Kahit marami nang nagawang product endorsements si Jodi Sta. Maria at anak na si Thirdy ay hindi naman payag ang aktres na tuluyang pasukin ng anak ang showbusiness.

“I want him to focus muna on his studies kasi medyo mahihirapan eh. Alam naman natin ’di ba na you cannot serve two masters at the same time. May isang magsa-suffer talaga,” bungad ni Jodi. “Mas important talaga sa amin na maka-finish siya ng pag-aaral. Regular school siya and it will be very hard for him to go to a regular school and do artista jobs.”

Nahirapan daw kasi si Jodi na pagsabayin ang pag-aartista at ang pag-aaral kaya hindi pa rin siya nakakapagtapos ng kolehiyo hanggang ngayon.

“Nag-stop ako because of my schedule pero that is something na hindi ko pa nakakalimutan at ’yun nga ipinagdarasal ko na mabalikan ko siya na maluwag na ’yung schedule ko,” nakangiting pahayag ni Jodi.

Samantala, naikuwento rin ng aktres na magkasundung-magkasundo ang kanyang anak at ang karelasyong si Jolo Revilla. Isinasama pa ni Jodi ang anak kapag lumalabas sila ni Jolo.

“Kahit paano nakakapag-bond naman sila. Kung may days na wala kaming work, ganyan. Lumalabas kami with Thirdy, movie gano’n,” kuwento ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                       

 

Show comments