The Edu Manzano show, wala nang urungan!

Wala nang urungan ang solo show ni Edu Manzano sa TV5. May title na The Edu Manzano Show, eere ito every Saturday, 9:30 p.m.. Magsisimula itong mapanood sa August 24.

Hindi pa nagkakaroon ng sariling programa si Edu simula nang lumipat siya sa TV5.

Kasama naman siya sa Good Morning Club ng network, pero kakapiraso lang ang kanyang papel sa nasabing programa dahil marami siyang kasama tulad nina Grace Lee, Sheryl Cosim, Amy Perez and Christine Babao.

Bago siya nasama sa Good Morning Club ay host si Edu ng Game N Go na programa nila nina Joey de Leon, Arnell Ignacio and Shalani Soledad. Pero natsugi ang nasabing programa nang ilipat sa noontime slot ang programa ni Willie Revillame. Sinasabing babalik ang Game N Go, pero hanggang ngayon ay hindi na ito uli umere.

Wala pang idea ang nagbalita sa akin kung sino ang unang magiging guest ni Edu sa pilot telecast ng The Edu Manzano Show.

Samantala, consistent si Edu sa pagkontra sa pagpasok sa pulitika ng anak nila ni Gov. Vilma Santos na si Luis.

Ang feeling ni Edu nasa showbiz ang buhay ni Luis at marami siyang napapasayang tao so mas mabuting mag-concentrate muna ang anak dito.

Magiging unfair daw si Luis kung kakandidato at mananalo siya tapos ay hindi naman niya matutukan ang kanyang trabaho bilang lider ng bayan.

Kung sabagay, maganda nga naman ang takbo ng career ni Luis at bata pa naman siya. Makakapaghintay pa ang pulitika. Puwede pa siyang mag-showbiz muna at mag-ipon pa ng maraming datung na gagastusin sa kampanya.

Sarah walang malaking selebrasyon sa kanyang 25th birthday

Muling makakaharap ni coach Sarah Geronimo ang dating katunggali niya sa isang singing competition ngayong Sabado (July 20) sa mas tumitinding labanan sa top-rating at Twitter-trending na singing-reality show na The Voice of the Philippines.

.Sasabak sa blind auditions ang kapwa contestant niya sa Star for a Night, kung saan nanalo at unang nakilala ang Popstar Royalty, sa pag-asang mapaikot ang isa sa mga coaches chair at mabigyan ng ikalawang pagkakataon na maparinig ang boses at musika niya sa publiko.

Sino ang mga coach na haharap sa kanya? Kasama ba rito si Sarah? Ano ang magiging reaksiyon ni Sarah kapag nakita na niya ang dating kalaban?

Samantala, ilang puwesto na lang ang nalalabi bago makumpleto ng coaches ang kani-kanilang teams.

May tig-labing isang artists na sina coach Lea Salonga at coach Bamboo; sampu naman kay coach apl.de.ap at may siyam naman si coach Sarah.

Speaking of Sarah, 25th birthday na niya next week (July 25) at balitang walang malaking plano si Sarah. Bakasyon lang daw at makakasama lang niya ang kanyang pamilya.

At ang birthday wish ng buong bayan kay Sarah, ang magka-boyfriend na ngayong 25 years old na siya.

Anyway, lalabas na any moment ang bagong niyang album na may title na Expressions under Viva Records.

 

 

Show comments