Sinumpaan lang: Abogado ni Sarah biglang kambyo, mga kaso laban sa bossing ng GMA hindi pa raw naisasampa

PIK: Balik-trabaho na si Kyla sa Linggo dahil kasali na siya sa Sunday All Stars at kabilang na siya sa Instagang team na pinangungunahan ni Glaiza de Castro.

Inilalabas ni Glaiza ang lahat ng hinaing dahil sa kulang ang kooperasyon ng mga miyembro nito kaya itotodo raw nila nang husto para sila na ang winner sa Linggo.

Si Kyla na nga kaya ang suwerte nila?

Sina Joey de Leon at Pops Fernandez na nga pala uli ang kabilang sa mga hurado sa Sunday All Stars.

PAK: Ang indie sexy actress na si Althea Vega ang bida sa pelikulang Amor Y Muerte na entry sa Director’s Showcase na idinirek ni Ces Evangelista. At marami ang nakapansin na kamukhang-kamukha ng sikat na child wonder na si Ryzza Mae itong si Althea.

Agree naman si Althea dahil talagang magkamukha raw sila at willing nga raw siyang gumanap na nanay ni Ryzza Mae.

Wish nga ni Althea na mag-guest sa Ryzza Mae Show ng child star dahi ipapakita raw niya ang litrato niya nung bata pa siya dahil kamukhang-kamukha raw talaga ng bagets.

BOOM: Nilinaw ng abogado ni Sarah Lahbati na si Atty. Maggie Abraham na hindi pa raw pala nila nai-file ang tatlong kasong isinampa nila laban kay Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Paliwanag ni Atty. Abraham; “Nagsumpa lang naman si Sarah Lahbati nung Monday pati ‘yung sa Makati, para pag-alis niya nung Tuesday, nasa akin na ‘yung mga sinumpaang salaysay niya tapos ipa-file ko na mga last week ng July or first week ng August para pagdating niya sa August 22 sa arraignment. Para sa period na ‘yun nandito siya… may mga hearings na rin para sa mga kaso na nai-file niya.”

Umalis pala si Sarah kasama sina Richard Gutierrez nung Martes ng gabi, at sa susunod na buwan pa siya babalik para sa arraignment. Kaya tinatantiya lang daw nila na nakabalik na si Sarah para nandito na raw ito kung magpapatawag na ng hearing ang piskalya.

Wala naman daw silang balak na ipabalita iyun dahil sumumpa pa lang ang young actress at hindi pa raw nila iyun nai-submit sa docket section.

Nagulat  na lang daw sila nang nagdatingan ang media para i-cover iyun.

Hindi alam nina Atty. Abraham at Sarah na may nag-text sa media para i-cover iyun at sinabing magpa-file si Sarah.

Show comments