Napaka-suwerte naman ni Sarah Lahbati sa nobÂyong si Richard Gutierrez na kaya siyang ipagtanggol kahit maging kapalit pa nito ang kanyang career. Sinundo pa ni Richard ang nobya sa Switzerland paÂbalik ng Pilipinas para harapin ang kasong isinampa sa aktres ng GMA Films president na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.
Siguradong naka-suporta kay Sarah si Chard sa mga problemang kinakaharap nito ngayon. Walang mag-aakala na sa demandahan mauuwi ang pagiÂging build-up star ng GMA 7 kay Sarah.
Sa ngayon, wala pang kongkretong plano si RiÂÂchard kundi ang kanyang planong pag-aaral ng filmÂmaking. Ano naman kaya ang naghihintay kay Sarah habang may kaso siyang kakaharapin? Hindi naman siya puwedeng lumipat ng ibang TV network dahil may existing contract pa siya sa GMA.
Marami ang nanghiyang kay Sarah na inaasahan pa namang magiging major star balang araw pero malabo na itong mangyari pa.
Raymart dinadaan na lang sa trabaho ang mga problema
Tama ang ginagawang pananahimik lamang ng aktor na si Raymart Santiago na may kinalaman sa hiwalayan nila ng asawang si Claudine BarreÂtto. Hindi nga naman maganda sa isang lalaki kung magsasalita ito laban sa babaeng kanyang minahal, pinakasalan at ina pa ng kanyang dalawang anak. Sa halip na patulan ang mga patutsada sa kanya ng daÂting misis, idinadaan na lamang ito ni Raymart sa trabaho at pananahimik.
PadEr ni BB kay Robin, natibag na
Aunt ang tawag ngayon kay BB Gandanghari ng bunsong anak ni Robin Padilla na si Ali at si Robin mismo ang nagsabi sa anak na Aunt BB na ang itawag sa kanyang dating Tito Rustom.
Aminado si BB na parang “bell to his ears†ang maÂrinig niya ang nagtampong kapatid na si Robin na sinabihan ang anak na tawagin siyang Aunt BB at lihim siyang nangiti. Hindi man siya proud sa kanyang pagkakasakit at pagkaka-confine sa pagamutan recentÂly, naging daan naman ito sa muli nilang pagkakasundong muli ng kanyang nakababatang kapatid na si Robin na matagal ding hindi siya matanggap bilang “bagong taoâ€.
“Wala na ang wall sa aming pagitan at ang sarap ngayon ng pakiramdam ko,†pag-amin ni BB over lunch with colleague and Startalk host Ricky Lo sa Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig City last Thursday.
Lorna gustung-gusto na magpaka-martir
Hindi issue kay Lorna Tolentino kung hindi man siya ang first choice para gumanap sa papel na Edita Burgos sa pelikulang Burgos na kalahok sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival. Ang mahalaga ay siya ang final choice. Gustung-gusto ni LT ang kanyang pagiging martir na ina ng nawalang aktibistang anak na si Jonas Burgos.
Ayon sa misis ng yumaong action superstar na si Rudy Fernandez, bibihira ang ganitong papel duÂmating sa isang artista kaya hindi siya nagdalaÂwang-isip ng ialok sa kanya ang proyekto. MaraÂming beses na ring gumanap si LT sa mga true-to-life chaÂracter na kakaiba ang challenge sa kanya.
Ang Burgos ay nakatakdang ipalabas sa Agosto 3 bilang closing film ng Cinemalaya.