Hanggang August 18 na lang ang Talentadong Pinoy. Grand finals na ng talent search ng TV5 sa nasabing petsa at magpapaalam na ito sa ere. Walang bagong season ang show na hino-host ni Ryan Agoncillo kahit mataas ang rating at positive ang feedback. Gusto raw ng bagong pamunuan ng network na bago ang concept ng mga show nila.
Kasunod nito, may balitang aalis na rin sa TV5 si Ryan at ang tsika, babalik na ang mister ni Judy Ann Santos sa GMA Network. Pero ‘pag tinanong n’yo si Ryan tungkol dito, wala pa siyang maisagot dahil makikipag-usap pa lang ang kampo niya after ng finals ng Talentadong Pinoy.
On the other hand, hindi na bago kay Ryan ang magtrabaho sa GMA Network dahil galing siya rito at kabilang sa original host ng morning show ng network na Mornings@GMA at nag-host pa ng Campus Video. Sa ngayon, kahit may show siya sa TV5, nakapag-host pa rin siya ng Eat...Bulaga na umeere sa GMA-7.
Kaya lang, ‘pag natuloy bumalik sa Channel 7 si Ryan, paano na ang pinaplanong sitcom ng Archangel Media na Desperate Husbands na sa TV5 ang airing? Ang alam namin, si Joey Reyes ang writer at director ng sitcom.
Jasmine friend pa rin ang sinasabi kay Sam
Excited na si Jasmine Curtis-Smith sa gala screening ng first movie niya at nagkataon pang first indie film niya na Transit sa CCP Main Theater sa July 28, 9pm
Nag-audition si Jasmine sa role ni Yael, pumila pero ang hindi niya alam, pagpasok pa lang niya sa room kung saan ginawa ang audition, siya na agad ang napili ni direk Hannah Espia at agad sinang-ayunan ng producer na si Paul Soriano.
“Crazy, so raw, surreal and amazing experience†ang description ni Jasmine in doing Transit na 90 percent kinunan sa Israel. For 10 days, nag-shoot sila sa Jerusalem, Tel-Aviv, Dead Sea at iba pang lugar sa Israel. Nakapunta rin siya sa Bethlehem at Nazareth, kaya very educational din sa kanya ang experience.
Ang challenge ng role niya ay ipakita ang struggle ni Yael na torn sa culture ng Philippines at Israel. Nahirapan din siyang mag-aral ng Hebrew, pero nagawa niya, kaya very proud si Jasmine.
Kinumusta rin namin sa kanya si Sam Concepcion, hindi “we’re just friends†ang sagot.
Frencheska social climber
Wala si Frencheska Farr sa presscon ng Binoy Henyo pero nakausap naman namin siya sa pictorial ng family drama na mapapanood na simula sa Monday, July 22 bago mag-24 Oras.
Parang gustung-gusto ni Frencheska ang role niyang social climber at very trying hard dahil nakangiti pang ikuwento. Challenge ito sa kanya dahil hindi siya ganun in real life. Wala siyang makitang peg sa role niya, kaya sarili niyang interpretation at wish nitong natimpla niya ng tama ang karakter ni Sandra.
Dati nahihiyang umarte si Frencheska sa harap ng camera dahil maraÂming tao sa taping o shooting, pero ngayon, nakapag-adjust na siya at kaya na ring umarte. Kinikilig na nga siya ‘pag tinatawag siyang singer-actress at feeling may naabot na siya sa pagiging artista kahit papaano.
Direk Paul isinugal ang naipon sa cinemalaya
Naipon mula sa pagdidirek ng TVC ang puhunan ni Direk Paul Soriano sa pagpoprodyus ng Cinemalaya entry na Transit, isa sa entry sa New Breed category. Kuwento ni Direk Paul, nagustuhan niya ang script nina Hannah Espia at Gian Abraham, kaya sinugalan niya.
Ang idea na mag-shooting sa Israel na ilang beses na niyang napuntahan at ang story ng Filipino OFWs na itinatago ang mga anak para hindi maipa-deport ng Israeli government ang naka-attract kay Direk Paul to produce the movie.
Masayang ibinalita ni Direk Paul na as of today, maraming invitation sa Transit na ma-screen abroad sa different film festivals.