MANILA, Philippines - Muling kinilala ng isang international award giving body ang Kusina Master ng GMA 7 matapos itong magwagi sa 19th Annual NAMIC Vision Awards. Ang cooking show ni Chef Boy Logro na entry mula sa GMA Life TV – ang kauna-unahang Filipino lifestyle channel abroad – ang kinilala bilang Best Lifestyle Program sa nasabing kompetisyon. Ito ang unang pagkakataon na nanalo sa NAMIC Vision Awards ang GMA gayun din ang kahit anong Filipino TV network.
Ang Pusong Pinoy Sa Amerika na isang co-production ng GMA Pinoy TV – ang flagship international channel ng GMA - ay nominado naman sa Foreign Language Category.
Ayon kay GMA Vice President at Head of International OpeÂrations Joseph T. Francia, isang malaking karangalan ito para sa GMA Life TV na kaka-celebrate lang ng kanilang ika-5 anibersaryo. “This award is truly an honor for both GMA Life TV and the excellent team behind Kusina Master, confirming its world class standards for the second time this year,†pahayag niya.
Tinalo ng Kusina Master ang mga programa ng Scripps, ang isa sa pinakamalaking TV network sa Amerika, at kakapanalo rin lang nito ng isang Certificate for Creative Excellence sa 2013 US International Film and Video Festival.
Sinabi ni GMA OIC for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable na masaya sila sa lahat ng pagkilala na tinatanggap ng Kusina Master sa loob at labas ng bansa.
Ipinaabot ni Nicol Turner-Lee, Ph.D, President and CEO ng National Association of Minorities in Communications (NAMIC), ang magandang balita kasabay ng pagbati nito sa pagkapanalo ng GMA International.
Kumatawan para sa GMA International sa awarding ceremony na ginanap noong July 11 sa Pacific Design Center sa Los Angeles, California sina Jush Andowitt, GMA International Marketing Consultant, at respetadong immigration lawyer na si Atty. Lou Tancinco, host at producer ng Pusong Pinoy sa Amerika.
Ang NAMIC Vision Awards ay isang “celebration of multicultural contributions in the media industry.†Isa ito sa mga iilang paligsahan (US wide) na kumilala sa orihinal na gawang telebisyon at digital content na sumasalalim sa lalim at lawak ng kontribusyon ng iba’t ibang lahi. Karaniwang nagwawagi ang mga mainstream TV networks tulad ng CNN, HBO, Disney, ESPN, Nickelodeon at iba pa sa NAMIC Vision Awards.