Female tv host, sariwang-sariwa ang hitsura matapos magbakasyon kasama ang karelasyon
MANILA, Philippines - Fresh-fresh ang female TV host. Balitang galing siya sa bakasyon with her loved one!
Kahit nanggaling man siya sa abroad nung isang buwan, hindi sila nagkaroon masyado ng time ng kanyang mahal dahil bukod sa maiksi ang araw ng inilagi roon, may trabaho pa silang dapat tapusin.
Eh bitin ang kanyang love sa bakasyon kaya nung yayain niya ang female host, kara-karakang sumama siya sa dyowa, huh!
Now that she’s back, gandara muli ang freshness ni female host! Hehehe.
Rason sa pagkaudlot ng got to believe hinahanap pa
Bulilyaso ang pilot telecast ng Got to Believe nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Siyempre iba’t ibang espekulasyon ang naglabasan dahil sa postponement ng telecast nito.
Naglabas ng statement ang public relations head ng ABS-CBN na si Bong Osorio tungkol sa pagkakabalam ng airing ito. Idinenay niyang hindi nagustuhan ng management ang initial episode ng Kathniel series. Naniniwala naman kami dahil magaling ang direktora nitong si Cathy Garcia-Molina as proven by her track records.
Feeling namin, hindi puwedeng isakripisyo ng network ang Juan dela Cruz ni Coco Martin. Eh ’yung mga kasunod nitong teleserye ay kasisimula pa lang. Giyera kapag pinutol ang Huwag Ka Lang Mawawala ni Judy Ann Santos!
Wala naman sigurong kinalaman ang issue sa mga anak ni Benjie Paras sa ina nilang si Jackie Forster kaya na-delay ang pag-ere ng Got to Believe, ’di ba? Teka, hindi naman kaya si Manilyn Reynes ang dahilan ng delay?
AiAi at Bong pang-take 2 na sa my Super Kap
Hayan at sasaya na naman ang Pasko ng press sa balitang pagsali ni AiAi delas Alas sa filmfest movie ni Sen. Bong Revilla, Jr. na My Super Kap.
Sa totoo lang, kulang ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kapag walang entry si AiAi. Last year, kahit biglaan ang pagkakasali niya sa SisteÂrakas, tinanggap pa rin niya ang movie or else P20M ang mawawala sa kanya.
Ang My Super Kap ang second team up nina Bong at AiAi na huling nagsama sa pelikulang Kapag Tumibok ang Puso, Not Once, But Twice!
- Latest