Wolfgang may concert tour sa US at Canada

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng concert tour sa US at Canada ang Wolfgang ngayong July at August. Matagal bago ulit nakabalik ang Pinoy rock icon sa North Amerika dahil nag-concentrate muna silang magtanghal  sa Middle East at Asian circuit.

Ang Wolfgang ay binubuo nina Basti Artadi on vocals, Manuel Legarda on guitars, Mon Legaspi on bass, and Francis “The Beast” Aquino on drums. Patuloy na kinikilala ang banda sa eksena mula nang parangalan sa NU107 Rock Awards, Awit Awards, at pati na sa world’s biggest indie awards group na Malaysia-based, ang AsiaVoize.

Sa Friday (July 19) ang kick-off ng Wolfgang concert sa North America billed as Rock Summer 2013. Gaganapin ito sa Broadway Studios sa San Francisco, California. Para sa tickets, tumawag sa (408)-655-9102.

Ang next show nila ay sa Los Angeles, California on Saturday (July 20). Gaganapin ito sa Beyond the Stars Palace, N. Brand Blvd, Glendale, LA, California, call (323)-201-1029.

Nasa East Coast, Laboom Lounge in Northern Blvd., Woodside, New York naman ang Wolfgang sa July 27 (Saturday, check out (551)-998-6020.)

Magpe-perform din sila sa Chicago’s Hard Rock Café (Ontario St., Chicago) on Aug. 2, contact (224)-545-0304.

Ito naman ang schedule ng kanilang Canada concert tour: Toronto on July 26 at the Phoenix Concert Theater, 412 Sherbourne Street, call (647)-505-7644); Winnipeg, on Aug. 3, sa Garrick Center, 330 Garry Street, (204)-962-2903); as well as Aug. 4 sa River Cree Resort & Casino, Winterburn Road, Enoch, Alberta, contact (780) 707-0824 for tickets.

Kasama sa tour ang Kamikazee at si Kitchie Nadal. Spearheading the productions are Nosaj Entertainment, Diamond Productions, and Alyas Galo Productions.

Pagbalik ng ’Pinas ay magiging abala naman ang Wolfgang sa Tanduay First Five 2013 national tour na magsisimula sa Ormoc on Aug. 9, Cebu on the 10th; Ozamis on the 16th; at Dumaguete on the 23rd. Para sa kumpletong schedule ng Wolfgang’s Philippine and international concerts, bisitahin ang Wolfgang Philippines sa Facebook.

 

Show comments