‘Sana next time na ma-in love ako, totoo na talaga’ – Sarah

MANILA, Philippines - “Mag-grow lang talaga ’yung tota­lity ng pagkatao ko. Sana mag-grow ako, lahat ng relationships ko, ’yung relationship ko with my family, with the Lord, at ’yung relationship ko with ’yung mga kasama ko sa trabaho,” sabi ni Sarah Geronimo nang tanungin siya kung ano ang birthday wish niya sa Showbiz Inside Report last Saturday.

Pero hindi nawala sa mga wish niya ang tungkol sa love life.

“The next time I fall in love, ’yun pa rin, sana totoo na talaga,” dagdag ng singer-actress at ngayon ay isa sa coaches sa The Voice of the Philippines.

Sa July 25 na kasi ang 25th birthday ni Sarah at marami na nga namang naiinip kung kailan ba siya magkaka-boyfriend.

As we all know, naudlot ang kaligayahan ni Sarah sa mag-best friend na sina Rayver Cruz and Gerald Anderson.

Anyway, kasabay ng 25th birthday ng singer-actress ang kanyang 10th year anniversary sa showbiz kaya naman medyo emotional siya nang tanungin siya tungkol sa mga plano niya.

Inamin niya na naiisip niya minsan kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay — personal at professional.

“May panahon na iniisip ko kung ano talaga ang mangyayari. Ano ba talaga ang gusto ko? Ipagpapatuloy ko ba ‘to? Meron ba akong isang pa­ngarap na sa tingin ko doon talaga ako magiging mas masaya?

“Ako, honestly, mahirap. Mahirap po kasi nandun ’yung struggle mo na, sino ba talaga ako? Sino ba talaga si Sarah Geronimo na nakilala nila ng ten years dito sa business na ’to? Sino si Sarah Geronimo na anak ni mommy, ng mga Geronimo?

“At ’yun ’yung palaging nagtatalo, becoming my real self at kung ano ’yung gusto ng taong makita sa akin. May struggle doon,” sabi niya.

Ogie, Regine, Martin, Charice highlight din sa PhilPop!

Handang-handa na ang lahat para sa PhilPop (Philippine Popular) Music Festival 2013 finals night na gaganapin sa Meralco Theater on July 20, 9:00 p.m., at magkakaroon ng telecast sa Channel 5.

Kasama sa mga maglalaban-laban sa 12 na kanta ang mga sumusunod: Araw, Ulap, Langit, performed by Christian Bautista and written by Marlon Barnuevo; Askal, performed by Jose and Wally and written by Ganny Brown; Dati, performed by Sam Concepcion, Tippy Dos Santos featuring Quest and written by Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana; Kung Di Man performed by Ney Dimaculangan and written by Johnoy Danao; Pansamantagal, performed by Sitti Navarro and Julianne Tarroja and written by Jungee Marcelo;

Papel, performed by Joey Ayala and Gloc-9 featuring Denise Barbacena and written by Joey Ayala; Sana Pinatay Mo Na Lang Ako, performed by Kimpoy Feliciano and written by Myrus Apacible; Sa ‘Yo Na Lang Ako, performed by Karylle and written by Lara Maigue; Segundo, performed by Yael Yuzon, written by Paul Armesin; Sometimes That Happens, performed by Ace Libre of Never the Strangers and written by Adrienne Sarmiento-Buenaventura and Nino Regalado; Space, performed by Ang Banda ni Kleggy and Kean Cipriano of Callalily, written by Raffy Calicdan; and Time Machine, performed by Six Part Invention, written by Kennard Faraon.

Magiging opening number ng show ang duet nina Regine Velasquez and Martin Nievera, arranged by Maestro Ryan Cayabyab bago ang matinding bakbakan ng first set of finalists.

Magiging highlight din PhilPop 2013 si Ogie Alcasid na magsisilbi ring isa sa mga host kasama si Jasmine Curtis Smith, at si Charice naman ay makikipagkantahan with the Ryan Cayabyab Singers, the Company, 5AZ1, Baihana, The Opera, and beat box artist Mike Salomon para sa isang a cappella medley ng mga current popular songs also arranged by the Maestro.

At ang idedeklarang panalo ay pagkakalooban ng specially commissioned Ramon Orlina trophy and one million pesos!

Other prizes at stake are P500,000 for the first runner-up, P250,000 for the second runner-up, and P100,000 each for the Smart People’s Choice awardee and the Meralco special award winner, all with their own Orlina trophy to cherish forever.

Ang lahat ng ito ay part ng advocacy of the PhilPop MusicFest Foundation Inc., chaired by business tycoon and philanthropist Manuel V. Pangilinan and the board of directors composed of business leaders Ricky Vargas, Doy Vea, Al Panlilio, Patrick Gregorio, Randy Estrellado, and Butch Jimenez, and OPM vanguards Ogie Alcasid, Noel Cabangon, and the foundation’s executive director Maestro Cayabyab.

Siguradong mahihirapan ang mga pipili sa mga mananalo dahil sa magaganda ang kantang kasali.                                                                         

 

 

 

 

 

 

Show comments