Ipe hindi malilimutan ang nakitang himala

Nabanggit ni Phillip Salvador sa presscon ng Undercover two nights ago na anim na taon na ang anak niyang si Pics na isang miracle baby.

Yup, you read it right. Isa siyang miracle baby dahil namatay na ito for thirty minutes noong isa’t kalahating taon siya pero nabuhay ng may isang American preacher na nagkataong nasa bansa noon nang mangyari ang seizure sa kanyang anak.

That time ay nagte-text sila ng mga pastor niya sa church na kasama ang nasabing American preacher kaya nabanggit ng mga pastor niya sa preacher ang nangyari sa anak ng aktor. So ang ginawa raw nito ay dumiretso sa hospital kung saan nandun ang anak niyang lalaki kasama ang mga pastor nila sa church.

At sinabi agad sa kanya na natutulog lang ang anak niya at magigi­sing ito.

Nagdasal daw sila at after 30 minutes, nagising ito at naging ok na lahat. “Ngayon normal na normal na siya,” pagbabalik alaala ni Kuya Ipe.

Kaya naman isa siya talaga sa mga artistang malaki ang tiwala sa Diyos at naniniwala sa himala.

Samantala, willing gumawa ng indie film kahit walang talent fee si Kuya Ipe. Pero dapat maganda ang script.

Gusto niyang mahasa pa rin ang acting niya kahit na alam nating lahat kung gaano siya kagaling na aktor.

Minsan ay nakasama siya sa isang indie film na pinagbidahan ni Gina Alajar. Ang kaso mo naman, halos isang eksena lang siya at pinatay agad.

Right now ay kabilang siya sa action serye ni Derek Ramsay sa TV5 na Undercover.

Maricel sunud-sunod ang pelikulang ipalalabas

Sa September pa pala ipapalabas ang pelikulang Oh My Mamma Mia under Viva Films na pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Eugene Domingo, Andi Eigenmann and Billy Crawford under the direction of  Wenn Deramas.

“Sobrang excited, sobrang saya, at sobrang nagpapasalamat ako sa blessings na naibigay sa akin,” sabi ni Maricel sa ilang taga-Viva na nakausap niya.

Bukod sa Oh My Mamma Mia, gagawin din ni Maricel ang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy kasama si Vice Ganda na kasali sa darating na Metro Manila Film Festival.

So wala nang urungan ang mga project ni Maricel na naudlot ang pagbabalik sa TV.

Online business ng aktres parang hindi pumapatok

Parang hindi raw pu­ma­patok ang online business ng isang actress. Ayon sa source na follower sa business account ng actress sa Instagram, wala raw gaanong inquiries siyang nakikita sa mga ibinibenta ng aktres.

Kung tutuusin naman daw ay magaganda ang mga ibi­nebenta nito pero parang matumal daw.

Hindi lang ang actress na ito ang may negosyo on line.

Patok na patok ngayon ang mga online business kaya naman maraming artista na rin ang pumapasok sa ganito. ‘Yung iba, ibinebenta nila ‘yung mga luma nilang mamahaling bag. Na kung tutuusin ay magandang idea nga naman dahil pinagkakakitaan nila ang mga bag nilang pinagsawaan na at nakatago na lang.

Jake at Joem may lovemaking sa bato

Grabe raw ang ginawa nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa pelikulang Lihis. As in believable daw ang mga lovemaking nila, yes, silang dalawa, dahil istorya ito ng kabadingan.

Meron pa raw sila ritong lovescene sa may batuhan. “’Yung hindi puwedeng gawin sa My Husband’s Lover, ginawa nila rito,” sabi nang isa sa mga nakapanood na sa pelikula.

Hmmm, ganito na ba talaga ang trending ngayon? Dapat ba tinotolerate na ang tungkol sa mga ganito?

 

 

Show comments