Mga batang nagdadala ng mabibigat na bag, puwedeng mapunggok

MANILA, Philippines - Isang “big” road trip ang hatid ng award-winning Kapuso host na si Drew Arellano, dahil mula Quezon City hanggang Pasay, mga higante ang pupuntahan ng AHA ngayong Linggo sa GMA News TV.

May 35 talampakan ang laki, nakamamangha ang replica ng istatwa ng sinaunang Egyptian pharaoh na si Rame­ses na makikita ngayon sa The Museum sa Pasay City.

Samantala, isang higanteng upuan ang takaw-pansin sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.

Sa Marikina naman matatagpuan ang mga sapatos na pang-higante, habang samu’t-saring naglalakihang hayop sa siyudad ang bibisitahin kasama ang aktres na si Mara Lopez. May patikim rin ang mga giant robot at monster sa bagong pelikulang Pacific Rim.

At puwede palang maka-punggok sa mga bata ang school backpack nila na sobrang bigat? Pati ang mga batang kulang sa tulog, nababansot rin. Paano nga ba ito kokontrahin? Tatalakayin rin ng AHA ang tungkol sa sakit na gigantism.

 

Show comments