SEEN: Ang official statement ng ABS-CBN tungkol sa postponement ng airing ng Got to Believe, ang teleserye ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla:
“The management of ABS-CBN is just as excited as the viewing public for the airing of Got to Believe. There is no truth to speculations that the airing was postponed because management was disappointed with the program. In fact, the TV series starring Daniel Padilla and Kathryn Bernado thrilled and impressed the management. Inasmuch as management wants to air it, it has decided to postpone the airing until enough episodes are canned. ABS-CBN firmly believes that Got to Believe will offer a new experience to TV viewers and looks forward to airing it soon.â€
SCENE: Ang insinuation na bading ang karakter ni Tirso Cruz III sa Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN. Ang Huwag Ka Lang Mawawala ang kalaban ng My Husband’s Lover, ang gay teleserye ng GMA 7.
SEEN: Nahihiya si Lovi Poe na aminin na siya ang bida sa Akin Pa Rin ang Bukas, ang coming soon primetime show ng GMA 7. Nakakaramdam ng pressure si Lovi sa teleserye na pinagbibidahan niya.
SCENE: “Gay porn†ang label sa pelikulang Lihis dahil sa mga intimate love scene nina Joem Bascon at Jake Cuenca. Showing sa mga sinehan sa September ang Lihis.
SEEN: Hihilingin ng Quezon City residents ang tulong ni Mayor Herbert Bautista upang hindi maipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Quezon City ang dalawang araw na color-coding scheme.
SCENE: Si Ruffa Gutierrez ang unang nagkumpirma sa social media tungkol sa pagbabalik ni Sarah Lahbati sa Pilipinas noong Huwebes.
SEEN: Si Sarah Lahbati sa Makati Regional Trial Court Branch 59 ay nag-post kahapon ng sampung libong pisong piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na bunga ng libel na demanda sa kanya ni Atty. Annette Abrogar ng GMA Films.