MANILA, Philippines - Kasabay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan sa Tacloban kamakailan ang pagdating ng ilan sa pinakasikat na Kapuso stars upang makisaya sa taunang selebrasyon ng Sangyaw Festival o Festival of Lights.
Tampok sina Rafael Rosell, Bianca King, Dion Ignacio, at JC Tiuseco — ang cast ng AfterÂnoon Prime drama series na Maghihintay Pa Rin — sa naganap na Kapuso Night sa Tacloban City Astrodome noong June 29 na dinagsa ng higit kumulang 6,000 katao.
Unang sumalang sa stage ang sole survivor ng Survivor Philippines Season 1 na si JC at marami ang kinilig sa kanyang performance number lalung-lalo na ang mga kababaihan. Handog niya sa mga manonood ang mga awiting Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba at The Way You Look Tonight.
Sinundan ng isa pang masayang kantahan ang pangÂhaharana ni JC, this time, kasama ang KapuÂso homegrown talent na si Dion. Enjoy ang mga Taclobanons sa pakikipag-jamming kay Dion sa rendisyon niya ng Nakapagtataka ng Apo Hiking Society at Wherever You Will Go ng The Calling.
Nag-ala-Katy Perry naman si Bianca King sa kinanta niyang Teenage Dream.
Isang masuwerteng audience member din ang nabigyan ng pagkakataong makasama ang dalaga sa stage sa second song number nito.
Pinakamalakas ang palakpakan at sigawan nang umakyat na ng stage ang Kapuso leading man na si Rafael. Hit na hit sa audience ang version niya ng kantang When You Say Nothing At All. Tatlong girls din ang nagpasiklaban on stage maka-duet lang ang aktor.
Maging si Rafael ay hindi makapaniwala sa mainit na pagtanggap ng mga Taclobanons.
“It feels great! The Taclobanons made us feel very welcome. Sobrang saya talaga ng naging experience namin ng co-actors ko,†bahagi niya.
Samantala, mapapanood ang highlights ng 2013 Sangyaw Festival sa weekly travelogue ng GMA Network na Let’s Fiesta na ipapalabas sa July 21 sa pamamagitan ng regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at Cagayan de Oro.
Babaerong pulis pinapatay ng isa sa mga naka-live-in
Sisiyasatin ni Gus Abelgas ngayong Sabado (Hulyo 13) sa SOCO ang kaso ng isang pulis na pinaÂpatay umano ng kanyang live-in partner dahil sa labis nitong pananakit.
Isang retiradong pulis si SPO2 Jose “Jun†Tobias, Jr. na kilalang mahusay sa kanyang napiling propesyon ngunit maraming maipiÂpintas sa persoÂnal nitong buhay. Bukod kasi sa pagiging lasenggo at babaero, marahas din ang nasabing pulis sa lahat ng mga nagiging karelasyon nito.
Isa nga sa mga babaeng ito ay hindi na natiis ang matinding pang-aabuso ni Jun kaya nauwi ang kanilang relasyon sa isang malagim na krimen.
Nasa labas ng kanilang bahay si Jun nang dalawang lalaking lulan ng isang motor ang tumapat sa kanya at binaril siya ng dalawang beses. Matapos iyon ay mabilis na humarurot ang motorsiklo.
Sa masusing imbestigasyon ng mga pulis, ang huling live-in partner ni Jun na si Lala Macawile ang nagpapatay sa naturang pulis. Umamin kaya sa pagkakasala si Lala?
Huwag palampasin ang SOCO: Scene of the Crime Operatives ngayong Sabado (Hulyo 13) pagkatapos ng Showbiz Inside Report sa ABS-CBN.