Sasabak si Angeline Quinto sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong Sabado. Ibig bang sabihin ay nakapasa na ang singer sa una niyang paglabas sa MMK sa panuntunan ng nanguÂngunang dramang anthology ng bansa na mga maÂgagaling na artista lamang ang palalabasin sa show? Hopeful si Angeline na makapasa nga siya sa panlasa ng mga manonood ng show para muli at muli pa siyang makalabas dito.
Dahil sa matinding pangangailangan, magtatraÂbaho bilang clown ang karakter ni Angeline. Sa kaÂbila ng nakangiting mukha, puno ng problema si Ellah (Angeline) dulot ng sunud-sunod na pagsubok sa kanilang pamilya, lalo na nang inabandona sila ng kanyang ama.
Paano maibabalik ang saya sa isang pamilyang winasak ng kasinungalingan? Hanggang saan kakaÂyanin ng isang anak na tumayong padre de pamilya kung siya mismo ay pinanghihinaan na ng loob?
Kasama ni Angeline sa episode sina Irma AdlaÂwan, Joey Marquez, Bea Basa, Aldred GatchaÂlian, Michelle Vito, Deborah Sun, Gio Alvarez, TanÂya Gomez, Marc Solis, Ingrid Dela Paz, K-La Rivera, Rufami, at Roden Araneta. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Mae Czarina Cruz.
Sheena naghihintay pa rin sa magiging boyfriend
Mukha namang hindi nagkamali sa pagpili ng project si Sheena Halili. Kahit marami ang nagsasabi na premature pa na gumanap siyang nanay dahil 26 years old pa lamang siya, nasa peak ng kanyang career at hindi pa naman nawawalan ng offers, maganda ang ibinabadya ng bago niyang progÂramang Binoy Henyo. Trailer pa lamang ay umaagaw na ito ng atensiyon ng mga manonood ng TV. Bukod sa magaling ang batang gumaganap na anak na si David Remo, napakalawak ng oportunidad na makukuha niya pagdating sa acting.
Marami ang nagsasabing reward ito kay Sheena for being such a good girl. She could have capitalized on her breakup with Rocco Nacino pero sa halip ay nanahimik na lamang siya.
“Bayaan na lang natin siya ang magsalita ng kung ano ang gusto niyang sabihin. Besides, it’s all in the past now,†katuwiran niya.
Naniniwala si Sheena na darating din ang lalaÂki para sa kanya. At kung nakapagtiyaga siyang magÂhinÂtay ng matagal na panahon, maghihintay pa rin siya.
“Wala namang hindi nakukuha sa dasal. Ipinagdasal ko na mabigyan naman ako ng magagandang roles naibigay sa akin ’yung sa Indio at ngayon ay dito sa Binoy Henyo. May acting award na rin ako for comedy. God will give me Mr. Right sa tamang panahon,†sabi niyang may malakas na paniniwala.
At kahit kabado sa kanyang bagong role dahil baka maging simula ito ang maaga niyang pagtanda bilang artista, ginagawa na lamang niya positibo ang kanyang pananaw sa mga pinakahuling pangyayari sa kanyang pag-aartista.
“Hindi naman ako puwedeng mamili. Napaka-unÂprofessional namang attitude ’yun. I can only hope that the role will bring me more recognition and work in the future,†hiling niya.
Papayag ba siyang nakasama sa isang project si Rocco?
“Sabi ko nga trabaho ito. Kung magkaro’n ng offer, bakit hindi? Hindi naman kami nag-aaway. Nag-uusap naman kami kung hinihingi ng pagkakataon,†katuwiran niya.